600 Empleyado, Ibalik sa PAL

 

palea-outsourcing-5th-anniv-4Ni: Roy Bersales

 

NANAWAGAN ang dalawang organisasyon ng mga manggagawa na pakialaman na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isyu ng tanggalan ng mga empleyado sa Philippine Airlines (PAL).

Ang gusto ng Partido Manggagawa (PM) at Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ay pumasok ang DOLE sa isyu ng PAL at magpasya ito na pabalikin ng pamunuan ng PAL, sa pangunguna ni Lucio Tan, na pabalikin ang 600 empleyado ng nasabing kumpanya na tinanggal noong 2011.

Ang totoo, 2,600 lahat ang tinanggal na mga empleyado ng PAL.

Pero, 600 na lamang ang ipinaglalaban ng PM at PALEA na muling makapagtrabaho sa PAL, sapagkat ang 2,000 ay napuwersa nang lumipat sa iba dahil sa hirap ng buhay.

Ayon kay Wilson Fortaleza, taga-pagsalita ng PM, ang pagkakatanggal ng 2,600 empleyado sa PAL ay bunga ng implementasyon ng “outsourcing program” ng PAL.

Sa esensya, ang outsourcing ay kontraktuwalisasyon na sistema ng pagtatrabaho sa nabanggit na kumpanya.

Noong 2013, nagkaroon ng kasunsuan ang PALEA at PAL na pabalikin ang 600 empleyado ng kumpanya, ngunit hayagan nilang benalewala ito.

Hanggang ngayon ay hindi kinikilala at ipinatutupad ng pamunuan ng PAL ang nasabing kasunduan.

Idiniin ng mga opisyal at kasapian ng PM at PALEA sa DOLE na bigyan ng pansin ang pagpapabalik sa 600 empleyado sa PAL, sapagkat ang isyu naman nila ay tungkol din sa kontraktuwalisasyon.

Pagkaupo ni Sylvestre Bello III bilang kalihim ng DOLE ay agad na nagdeklara itong tatapusin ng kagawaran ang kontraktuwalisasyon, ngunit hanggang ngayon ay ipinapakita ni Bello na hindi kaya ng DOLE na banggain ang mga higanteng negosyante pagdating sa kontraktuwalisasyon tulad ni Tan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like