6 sa 10 ‘Drug Dealer,’ sa Bahay Pinatay sa Caloocan

 

PATAY...PATAY. PATAY NA NAMAN: Ilan pa kaya ang mamamatay sa kampanya laban sa iligal na droga? Ito ang taong ng mga taong naghahangad na mangibabaw at manaig ang batas.
PATAY…PATAY. PATAY NA NAMAN: Ilan pa kaya ang mamamatay sa kampanya laban sa iligal na droga? Ito ang tanong ng mga taong naghahangad na mangibabaw at manaig ang batas.

Ni: Denz Laguipo

 

NAKAAALARMA na ang nangyayari sa Lungsod ng Caloocan dahil ang pinakabagong biktima ng kampanya laban sa iligal na droga ay nagresulta sa 10 katao ang namatay sa loob ng dalawang araw.

Kahit si Mayor Oscar Malapitan ay walang magawa upang matigil ang sunud-sunod na patayan sa kanyanng nasasakupan.

Ayon sa rekord ng Caloocan – Philippine National Police (PNP), 6 sa biktima ay pinatay sa loob ng kanilang mga bahay.

Ang mga pumatay sa 10 ay pawang mga inupahang mamatay-tao na halos lahat ay nakasuot ng bonnet upang hindi sila makilala ng mga taong posibleng makasaksi sa krimen.

Ang huling napatay ay si Saripada Parahodin.

Si Parahodin ay pinagbabaril habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Bagong Silang dakong ala una ng madaling araw nitong Linggo.

Sabi ng kaanak ng biktima, ilang ulit pinagbabaril si Parahodin ng tatlong taong naka-bonnet na kaagad nitong ikinamatay.

Ayon sa Caloocan – PNP, ang namatay ay kiIalang tulak ng shabu sa kanilang lugar na tahasan namang itinanggi ng kanyang ina.

Ilang minuto bago itumba si Parahodin, si Mark Gil Tiu naman ang pinagbabaril hanggang mamatay ng apat na kataong nakasakay sa dalawang motorsiklo sa kanto ng Lapu-Lapu at JP Rizal Streets sa Barangay 178.

Sabi ng mga nakasaksi sa krimen, naka-bonnet din ang mga suspek.

Sabi ng mga kamag-anak ni Tui ay tricycle driver ito at hindi tulak ng shabu.

Sa ikatlong insidente ay tatlo ang namatay, kabilang na ang isang 20-taong-gulang babae.

Si Mary Ann Asentista at dalawang lalaki ay pinagbabaril ng apat na katao sa Barangay 187 bago maghating-gabi noong Sabado, ayon sa rekord ng Caloocan – PNP.

Isang oras bago mangyari ito, dalawang katao pa ang pinatay sa loob ng kanilang sa Barangay 178 ng anim na suspek.

Noong Sabado rin ng gabi, tinadtad ng bala ang 57-taong-gulang na si Josefina Buenaventura habang natutulog sa kanyang tinitirahan sa Molave St. sa Barangay 165.

Ayon sa pulisya, si Buenaventura ay sinistensyahan ng dalawang kataong nakasuot ng bonnet dahil sa iligal na droga.

Bago mangyari ‘yan, si Anthony Antang at ang kanyang kaibigang si Serapio Rosete ay piinagbabaril hanggang  mamamatay habang ang dalawa ay nasa loob ng bahay ni Antang.

Dalawang lalaki ang bumira kina Antang at Rosete.

Ang pagpatay sa mga pinaniniwalaang drug dealer sa Caloocan ng mga hindi kilalalang kalalakihan na nakasuot ng bonnet ay talamak na talamak na ngayon sa lungsod simula nang ikasa ng administrasyong Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga.

Nitong mga nakalipas na panahon, hindi natitinag ang mga drug dealer sa pagnenegosyo ng bawal na gamot, lalo na ang shabu.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like