6 Patay sa Pinaigting na Anti-Drug Campaign ng QCPD

 
 
TILA pinaiigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang kampanya nito laban sa droga dahil anim na kalalakihan ang napatay, kabilang ang isang pulis.
 
Ang unang napatay ay si PO3 Ariel Arnaiz.
 
Si Arnaiz na nakadestino sa Caloocan City ay pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa Baesa, Quezon City.
 
Si Arnaiz, na absent without leave (AWOL) ang istatus sa Philippine National Police (PNP), ay nagtamo ng maraming bala sa kanyang katawan makaraang makipagbarilan sa mga pulis.
 
Ayon sa intelligence report ng QCPD, si Arnaiz ay nagtutulak ng droga.
 
Katunayan, mayroong nakatakdang bentahan ng droga si Arnaiz bago maganap ang barilan sa pagitan niya at mga pulis pasado alas 8:00 N.U.
 
Ang operasyon ng pulis laban kay Anaiz ay batay sa tip ng residenteng may malasakit sa kanilang pamayanan.
 
Si Arnaiz ay isa ring adik din.
 
Bandang 1:15 N.U., nakapatay din ang ibang yunit ng QCPD ng apat na mga kasapi ng sindikato ng carnapping at drug dealing.
 
Dalawa sa mga namatay ay nakilalang sina Ignacio Dela Cruz at Earl Javier.
 

 

 

Ang dalawa pang namatay ay nakilala lamang sa kanilang alyas na “Jake” at “John.”
 
Ang apat ay kasapi umano ng Briones Drug at Carnapping Group.
 
Ang Quezon City ay isa sa mga kinikilusang lugar ng nasabing sindikato.
 
Ang apat ay namatay nang makipagbarilan sa mga pulis sa kahabaan ng Maharlika Avenue in U.P. Village.
 
Naniniwala si QCPD District Director, Senior Supt. Guillerno Lorenzo, na tuluyang matatapos na ang buhay ng Briones Group dahil sa pagkamatay ng apat na kasapi ng sindikato.
 
Ang pinuo ng grupo na si Salvacion Briones ay matagal na ring nakakulong.
 
Ang isa pang namatay nang barilin ng dalawang beses sa ulo ay si barangay tanod na si Antonio Baguinon.
 
Si Baguinon ay itinumba sa loog ng kanyang bahay sa Brgy. Silangan ng lungsod.
 
Dahil sa pangyayaring ito, 12 na ang namatay sa kampanya ng QCPD laban sa mga taong sangkot sa droga na sinimulan noong Hulyo 1. (May dagdag-ulat si Joel O. Amongo)

You May Also Like