6 Miyembro ng BIFF, Patay

Ng: Tapat News Team (TNT)

ANIM na kasapi ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang namatay, habang pitong sundalo ang sugatan sa apat na araw nilang engkuwentro sa Maguindanao.

Ayon sa ulat na nakarating sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Quezon City, tatlo sa mga namatay sa BIFF ay sina Bolari Suwaib, Muti Monib, at Zukarno.

Apat na araw nang nagaganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at BIFF sa Maguindanao.

 

 

Malakas ang BIFF sa Maguindanao dahil mayroong pamaynan na sumusuporta sa kanila.

Ang BIFF ay hiwalay na organisasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang pamunuan at kasapi ng BIFF ay pawang dating kasapi ng MILF.

Kumalas sila sa MILF at itinatag ang BIFF dahil hindi nila ang taktika ng MILF na usapang pangkapayapaan sa pamahalaan.

Gusto ng BIFF ay madugong armadong pakikibaka upang makamit ang kapayapaan.

You May Also Like