6 + 3 = mga senador natin

Kilalanin ang mga pro-life na kandidato para sa Senado

6 + 3 – ito ang suma total ng mga kandidato para sa pagka-senador na tumatayo para sa buhay. Tatlong ‘di kilalang pangalan at 6 na mas kilalang personalidad ang bumubuo sa kontrobersyal na ‘Team Buhay’.

senatoriables

 

sample ballot

#20 Marwil Llasos

Sa kabila ng paglaki niya malayo sa piling ng kanyang inang overseas Filipino worker, nakilala ang isang Marwil Llasos sa larangan ng abogasya at pagiging legal consultant sa Department of Agrarian Reform sa panahon ng dating pangulong Joseph Ejercito Estrada. Bukod sa pro-life issues, patuloy niyang pinaglalaban ang universal health care, mas mababang singil sa kuryente at ang pagtutol sa mga panukala ng STFAP (Socialized Tuition Fee Assistance Program) ukol sa tuition.

#9 John Carlo ‘JC’ Delos Reyes

Isa namang kampeon ng mahihirap si JC Delos Reyes, na unang nakilala bilang bagitong kandidato na tumakbo para sa pagka-presidente noong 2010. Siya din ang executive director ng Breaking the Yoke of Poverty Foundation, na nangangalaga sa mga pabahay para sa mga 60 na mahihirap na pamilya sa Olongapo City. Kahit na galing si Delos Reyes sa mahabang linya ng mga pulitiko, naniniwala ito na hindi tama na pinamumunuan ng mga political dynasties ang bansa. Nagtapos mula sa Franciscan Universtiy of Steubenville sa Ohio, sa Amerika si Delos Reyes.

#23 Milagros ‘Mitos’ Magsaysay

“Congresswoman Libre” – ito ang bansag kay Magsaysay dahil sa mga proyektong ipinatupad niya sa kaniyang distrito sa Zambales tulad ng libreng pagamutan at scholarships. Kinilala na rin siya bilang ‘Most Outstanding Congresswoman’ sa 6 na sunud-sunod na taon at isang Emeritus Hall of Famer awardee ng Kamara. Isa sa mga pinakamatapang na boses sa mababang kapulungan, tinatawag din si Mitos na “Dragon Lady of Zambales” dahil sa pagbatikos niya sa mga administrasyong Aquino.

#10 Rizalito ‘Lito’ David

Isa namang socio-political analyst na lumaki sa Tondo, Manila si Lito David. Mula 1997 hanggang 1998, siya ay naging political affairs consultant at Head of Political Operations for Mindanao sa ilalim ng pamunuan ni Deputy Speaker Hernando Perez. Bilang miyembro ng partidong Ang Kapatiran, naniniwala si David na walang magandang idinudulot ang mga political dynasties, gaano man “kaganda” ang mga sinasabing plataporma ng mga ito. Itinataguyod din ni David ang freedom of information at principles-based politics.

#17 Gregorio ‘Greg’  Honasan 

Maliban sa hindi paggamit ng kaniyang pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund) marahil bilang isang patunay ng kaniyang ‘di matawarang integridad, si Gregorio ‘Greg’ Honasan ay isa sa mga nakipagkaisa upang makamit ang kalayaan noong rebolusyon ng EDSA I. May-akda din si Honasan ng mga mahahalagang batas tulad ng Clean Air Act of 1999 at National Security Policy.

#27 Aquilino ‘Koko’ Pimentel III 

Ang Bar topnotcher na si Koko Pimentel ay nangunguna sa pangangalaga sa mga atleta at kabataan. Dating Mindanao commissioner para sa National Youth Commission, si Pimentel ang may-akda mga batas tulad ng Professional Filipino Athletes Retirement, Health Care and Death Benefits Act of 2013 at ang batas na nagtalaga sa Cordillera Autonomous Region (CAR)

#5 Nancy Binay

Naging matunog ang pangalan ni Nancy Binay dahil sa mga adbokasiya niya tulad ng pabahay at pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata. Naging parte siya ng mga foundation na nakalaang magbigay ng mga pangangailangan ng mga kapus palad tulad ng Brighthalls Children’s Foundation.

#32 Cynthia Villar

Naging representante ng Las Piñas City, si Villar ay nakapagpatayo ng 11 sentro sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para sa mga kababaihang biktima ng abuso. Tinatawag rin na “Mrs. Hanapbuhay,” naging isang financial analyst si Villar bago pumasok sa larangan ng pulitika.

#11 Joseph ‘JV’ Victor Ejercito

Anak ni dating pangulong Joseph Ejercito Estrada, patuloy ang pagpapaunlad ni Ejercito sa mga prokyektong may kaugnayan sa kanyang adbokasiyang labor at employment, lokal na reporma sa edukasyon at youth development. Isinusulong din niya ang dagdag pondo para sa mga state university sa bansa.

You May Also Like

  • Max Integral

    Making a choice was easy …none of the above. Btw, endorsing just because of RH vote? What in the world are you thinking??? LAME!!! – Max, methinks RH Bull (bill) is a sham.