52,006 estudyante, handang tulungang ng CHED

students scholars

52, 006 na estudyante sa kolehiyo ang handang bigyan ng tulong pinansyal ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Student Financial Assistance Program (StuFAP).

May 52, 006 slots na nakalaan para sa half at full merit scholarships para sa taong 2013-2014. Ang CHED ay maaari lamang magbigay ng tulong sa isang porsyento, kontra sa  target na limang porsyento na bilang ng mga mahihirap na mag-aaral na magtatapos sa highschool.

Ayon kay CHED study grant division head Nena Asingjo, ang StuFAP ay hindi ginawa upang ganap na masaklawan ang lahat ng gastusin ng bawat mag-aaral, ngunit ito ay sapat sapagkat ito ay malaking kabawasan sa tuition ng benipisyaryo.

Ani Asingjo, ang bilang ng slots ay nakadepende sa budget ceiling na itinakda ng Department of Budget and Management habang ang Department of Education at National Economic and Development Authority ang pumili sa mga mag-aaral na karapat-dapat para sa StuFAPs. [Clarissol Reonal]

You May Also Like