50 Iligal na Tambakan ng Basura, Mapapasara na

 

office-of-the-ombudsmanNi: Roy Bersales

 

DALAWAMPU’T-ISA na lang ang kulang upang mapasara na ang 50 iligal na tambakan ng basura na inireklamo sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Gerard Mosquera, Deputy Ombudsman para sa Luzon, ang 29 naipasara na nakapuwesto sa anim na rehiyon sa buong bansa.

Si Mosquera ang namumuno sa imbestigasyon laban sa 50 iligal na tambakan ng basura.

Ani Mosquera, 50 opisyal ng pamahalaang lokal ang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9003, o  Ecological Solid Waste Management Act of 2000 dahil sa pagpapabaya sa iligal na imbakan ng basura.

Anang opisyal, nagsasagawa sila ng imbestigasyon at konsultasyon sa publiko bago ipasara ng Office of the Ombudsman ang mga iligal na basurahan.

Aniya na matatapos nila ang inspeksyon sa 21 iligal na tambakan ng basura upang tuluyan nang mapasarahan ang mga ito sa susunod na buwan.

Halos lahat ng rehiyon ay pinuntahan nila upang maaksyonan na ang lahat ng reklamo laban sa mga iligal na tambakan ng mga basura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like