5-Taong-Gulang na Babae Namatay sa Extra Judicial Killing Operation sa Dagupan City

 

Ng: Tapat News Team (TMT)

 

 

HULING KAIN at ngiti na ni Danica May Garcia nitong Martes dahil siya ay namatay nang pagbabarilin ang kanyang pamilya ng hindi kilalang mamamatay-tao nitong Martes sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Kumakain ang 5-taong-gulang na si Danica May kasama ang kanyang lolo Maximo at lola Gemma Garcia pasado alas dose ng tanghali sa kanilang bahay sa Brgy. Mayombo nang mamaril ang suspek.

Sabi ni Gemma sa media, pagkatapos mananghalian maliligo sana si Danica May para pumasok sa eskuwelahan.

Kinder si Danica May sa East Central Elementary School.

Si Danica May ay bumulagta kaagad nang tamaan ng isang bala sa ulo.

Itinakbo siya sa ospital, ngunit patay na talaga si Danica May nang maihatid siya sa ospital.

Ayon kay Gemma, mukhang ang tunay na target ng mamamatay-tao ay ang kanyang asawang si Maximo.

Ang 53-taong-gulang na si Maximo ang unang binaril kung saan tinamaan ito sa tiyan.

Pagkabaril sa kanya ay biglang tumakbo ito papunta sa likuran ng kanilang bahay.

Nagpapagaling na ngayon si Maximo sa ospital.

Ayon sa balita, si Maximo ay sumuko sa Dagupan City – Philippine National Police (PNP) nitong Agosto 20 (Sabado) makaraang may magsabi sa kanyang kasama siya sa drug list ng PNP.

Ngunit, idiniin ni Gemma na ang kanyang asawa ay katuwang niya sa kanilang maliit na karinderya na ang kapital sa pagpapatayo ay galing sa Department of Welfare and Social Development (DSWD).

Kakarampot lamang ang kinikita ng mag-asawa sa karinderya.

At ang kakaramapot na ito ay pinagkakasya lamang sa pang-araw-araw nilang gastusin, pang-maintenance ni Maximo dahil inatake ito sa puso tatlong taon nang nakalilipas, at panustos sa pag-aaral ni Danica May.

Masakit para kina Gemma at Maximo ang pagkamatay ni Danica May.

At ang higit na nakakasakit ng damdamin ay namatay ang kanilang apo dahil sa droga na wala naman itong kaalam-alam sa droga.

“Mamimiss namin ang kulit at kasiyahan ng bata, lalo na tuwing papasok sa eskwela dahil gustong-gusto niyang pumasok,” banggit ni Gemma sa media.

Ipinapakita ng pangyayari na si Ganica May ay hindi bahagi ng lehitimong operasyon ng pulis, kundi biktima ng extra judicial killing na tila nakikipagpaligsahan sa mga pulis sa rami ng papatayin.

Ang totoong target sa extra judicial killing ay si Maximo Grcia dahil ang bumaril sa kanya ay sibilyan na pinaniniwalang bayarang mamamatay-tao.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like