5 Patay sa MPD Operation

Ni: Paula Antolin

LIMANG notoryus na drug pushers sa Maynila ang napatay nang makipagbarilan sa Manila Police District (MPD) ngayong Linggo ng umaga.

Ayon kay Chef Inspector Michael Garcia, ang lima ay napatay dakong 7:00 N.U.

Sa isang barung-barong sa Castillejos St. corner Duque de Alba St. sa Quiapo.

Namatay ang lima nang makipagbarilan sa mga pulis-Quiapo, sabi ni Garcia.

Aniya, ang lima  ay notoryus na drug pusher sa Muslim community.

 

 

Matagal nang hinahanting ng mga pulis ang lima, ngunit sila ay matinik, patuloy ni Garcia.

Natiyempuhan sila nitong ala-7:00 N.U. ng mga pulis at nang huhulihin ay biglang nagpaputok na nauwi sa engkuwentro.

Inaasahan ni Garcia, unti-unting mawawala na ang droga sa Muslim community dahil sa pagkamatay ng lima.

You May Also Like