MATATAPOS NA: Ang mahabang fly-over na ito ay isa sa mga proyekto ng pamahalaan saa Luzon na naglalayong maibsan ang napakatinding sikip ng daloy ng trapiko na nauuwi sa ganoon ding kasikip na takbo ng ekonomiya ng bansa. (Edward Ramos)
MATATAPOS NA: Ang mahabang fly-over na ito ay isa sa mga proyekto ng pamahalaan sa Luzon na naglalayong maibsan ang napakatinding sikip ng daloy ng trapiko na nauuwi sa ganoon ding kasikip na takbo ng ekonomiya ng bansa. (Edward Ramos)

Ni: Marites Badilla

 

NASA 41 porsyento ang iaangat ng badyet sa pang-imprastrakturang proyekto ng administrasyong Duterte sa susunod na taon kumpara ngayong 2016, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sabu ng DBM, ang gagastusin sa imprastraktura sa susunod ay P890 Bilyon mula sa P3.35 Trilyong badyet ng 2017.

Ang P890 Bilyon ay 41% umento mula sa ginagastos ng pamahalaan na P631.9 Bilyon paraa ngayong taon, banggit ng DBM.

Ngunit ang nasabing badyet ay 5.2% ng P3.35 Bilyong badyet ng administrasyong Duterte.