44 Tulak ng Shabu at Adik, Tiklo sa QC

 

ARMAS PAMATAY-TAO: Ganito kalakas na baril ang pamatay-tao ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa mga tulak ng iligal na droga sa Lungsod ng Quezon. (Rafael Taboy)
WALANG KAWALA: Sa tindi ng armas na dala ng mga puis ay tiyak na walan makapapalag na drug pusher at adik

Ni: Jan Sinocruz

 

ANG target ng Quezon City Police District Office (QCPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay hulihin ang apat na pinaniniwalaang drug pusher sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.

Swerte, ang pagkakadakip kina

Gina at Edwin Sibug, Benjie Dela Paz, at Nimfa Dedoyco, ayon kay Supt. Lito Patay, hepe ng QCPD – Police Station 6, ay nauwi sa pagkakadakip ng 40 pang kataong gumagamit ng iligal na droga.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng QCPD – PS 6 at PDEA National Capital Region sa Sto. Domingo St., Dona Juana A, Zone 1 sa Barangay Holy Spirit nitong Lunes sa ganap na 3:00 ng hapon gamit ang search warrant na inisyu ni Judge Bernelito Fernandez ng Quzon City Regional Trail Court Branch 97.

Ayon kay Patay, nang damputin ang mag-asawang Sibug, 19 na iba pa ang nadakip, habang kay Dela Paz ay 14 na katao ang naaresto, at kay Dedoyco ay 14 pa ang mga natiklo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like