400 pang Pinoy sasagupa sa Sabah!

Sa isang panayam, nagpahayag si Abraham Idjirani na may 400 pang  taga suporta ang kampo ng mga Kiram na handang lumusob sa Sabah.
Sa isang panayam, nagpahayag si Abraham Idjirani na may 400 pang
taga suporta ang kampo ng mga Kiram na handang lumusob sa Sabah.

SABAH, MALAYSIA – Sa kabila ng ceasefire o tigil-putukan na idineklara ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III kamakailan, may 400 kalalakihang handang lumusob sa Sabah at makipagsagupaan sa puwersa ng Malaysia, ani Sultanate spokesman Abraham Idjirani.

Ayon sa GMA News, ang nasabing hukbo na nasa ilalim ni Raja Muda Azzimudie Kiram, kapatid ni Sulu Sultan Kiram, ay pawang mga boluntaryo na mula sa Sulu, Basilan at Tawi-Tawi at mga kaanak ng mga nasawing Pilipino sa mga naunang engkwentro sa Sabah.

Mababatid ang matatag na pasiya ng grupo ni Sultan Kiram sa isyu ng Sabah, sa kabila ng puspusang pagdepensa ng Malaysia sa Sabah sa pamamagitan ng pagpapadala ng 10 army battalions, na may kasamang mga armored fighting vehicles, artillery at ground attack aircraft.

Kunimpirma ni Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib ang paghuli sa isang armadong grupo na kahapon ay nakilala bilang mga naligaw na miyembro ng Liberal Party.
Kunimpirma ni Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib ang paghuli sa isang armadong grupo na kahapon ay nakilala bilang mga naligaw na miyembro ng Liberal Party.

Inaantabayanan naman ng bansa ang desisyon ng Malacañang tungkol sa susunod na hakbang ng pamahalaan sa isyu ng Sabah.

Matatandaang nitong Marso 22, nagsumite si Justice Secretary Leila de Lima ng isang legal brief na kinapapalooban ng pag-aaral nito tungkol sa kasaysayan at legal na aspekto ng pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah.

Wala pang linalabas na pahayag si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa isyu, maging si Secretary de Lima ay tikom ang bibig tungkol sa linalaman ng legal brief kaya’t hindi maliwanag kung lalapitan nga ng pamahalaan ang korteng internasional o tuluyang bibitawan ng Pilipinas ang Sabah.

Nagsimula pa noong Marso ang sagupaan sa pagitan ng Royal Army ni Sultan Kiram at puwersa ng Malaysia.
Nagsimula pa noong Marso ang sagupaan sa pagitan ng Royal Army ni Sultan Kiram at puwersa ng Malaysia.

Nitong Lunes lamang may 33 armadong kalalakihan na pinaniwalaang nagtatangkang makapuslit sa Sabah mula sa Mindanao ay nakilalang mga miyembro ng Liberal Party, partido ni Pnoy, na napadpad sa Sabah dahil sa malakas na alon at hangin.

Kabilang sa grupo ang isang kandidato sa pagka-mayor sa Tawi-Tawi na sinubukang pumunta sa Taganak Islands upang mangampanya.

You May Also Like