40 Pulis Maynila, Tanggal sa Puwesto

 

HULI KA: Walang awang sinakal ng isang pulis ang babaeng demonstrador na hindi naman lumalaban sa mga pulis. (Mon Estabaya)
HULI KA: Walang awang sinakal ng isang pulis ang babaeng demonstrador na hindi naman lumalaban sa mga pulis. (Mon Estabaya)

Ni: Roy Bersales

 

TINANGGAL sa kani-kanilang puwesto ang 40 pulis ng Manila Police District (MPD), kabilang ang isang opisyal, dahil sa umanoy ‘sinadyang’ marahas na pagtaboy sa mga demonstrador mula sa embahada ng Estados Unidos ng Amerika sa Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Ani Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila, inilagay ang 40 pulis at si Superintendent Marcelino Pedroso sa MPD Headquarters sa T.M. Kalaw St., habang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang PNP -National Capital Region Police Office (NCRPO).

Si Pedroso, hepe ng MPD – District Directorial Staff (DDS), ay siyang ground commander ng mga pulis sa naganap na marahas na pagpapaalis sa mga nagprotestang maka-kaliwang aktibista na pinamunuan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa harapan ng embahada ng Amerika sa Roxas Boulevard.

Narinig sa video ang narekord na boses ni Pedrosa na nag-utos sa mga pulis na paalisn ang mga demonstrador sa harapan ng embahada ng Amerika dahil baka mapahiya daw ang MPD sa mga opisyal ng embahada ng Estados Unidos.

Ang imbestigasyong sinimulan ay batay sa utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

NANAGASANG SASAKYAN NG PULIS: Pinatakbo ang sasakyan ng pulis Maynila upang mapaalis ang mga demonstrador mula sa embahada ng Estados Unidos ng Amerika. (Jay-Ar Ortonero)
NANAGASANG SASAKYAN NG PULIS: Pinatakbo ang sasakyan ng pulis Maynila upang mapaalis ang mga demonstrador mula sa embahada ng Estados Unidos ng Amerika sa Roxas Boulevard. (Jay-Ar Ortonero)

Inilinaw ni Albayalde na ang 40 pulis ay tinanggal lamang sa kani-kanilang puwesto sa MPD at hindi sila inalis sa MPD.

Inilinaw din niya na kaya nagbabantay ang mga pulis sa embahada ay dahil isa sa kanilang tungkulin bilang pulis ay bantayan at protektahan ang lahat ng embahada ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas.

Tiniyak ni Albayalde sa media na walang opisyal n autos galing sa pamunuan ng MPD at NCRPO na ipagtabuyan ang mga demonstrador kahit sa marahas na pamamaraan kung hindi agad sila umalis mula sa harapan ng embaha ng Estados Unidos.

Nagprotesta ang mga aktibistang kabilang sa maka-kaliwang puwersa dahil sa panawagan nilang “umalis na” ang mga Amerikano sa Pilipinas.

Naniniwala ang mga aktibistang pinamumunuan ng Bayan na matagal nang tahasang nakikialam ang Amerika sa maraming usapin sa Pilipinas.

Naniniwala ang mga maka-kaliwang aktibista na matagal ginawa ng Amerika na ‘laruang tuta’ ang Pilipinas.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like