4 Pulis-QC na Nangotong, Nagnakaw Inilipat sa ARMM

 

MALINIS NA QCPD: Hangad ni Senior  Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar , direktor ng Quezon City Police District (QCPD) na walang masasamang opisyal at miyembro ang QCPD.
MALINIS NA QCPD: Hangad ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar , direktor ng Quezon City Police District (QCPD) na walang masasamang opisyal at miyembro ang QCPD.

Ni: Jan Sinocruz

 

NANG mapatunayang nangotong at nagnakaw ng pera ang apat niyang tauhan, hindi nagdalawang isip si Quezon City Police District (QCPD) director Senior Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar na ilipat sila sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ang mga sinibak sa QCPD at inilipat sa ARMM ay sina PO3 Drazen Calix Clores Banatao, PO3 Teodoro Capili Morales, PO2 Juan Tumalin De Asis Jr., at PO1 Philip John Aῆonuevo Laylo.

Idiniin ni Eleazar na matibay ang ebidensya laban sa apat.

Mayroong basbas mismo ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang paglipat sa kanila sa ARMM.

Noong Nobyembe 12 ipinarating ng Camp Crame ang desisyon na sibakin sila sa QCPD at ilipat sa ARMM.

Kaagad namang ipinatupad ni Eleazar ang desisyon.

Ang kaso nina PO3 Banatao, PO3 Morales, PO2 De Asis Jr., at PO1 Laylo ay may kinalaman sa reklamo ng pangongotong at pagkawala ng P31,000.00 ni Rex Macabeo Jr. noong Nobyembre 4.

Si Macabeo ay pauwi nang patigilin siya ng apat na pulis sa

police checkpoint sa tapat ng University of the Philippines Gym sa Commonwealth Avenue.

Nang siyasatin ang kotse ni Macabeo, nadiskubre ng apat na pulis na mayroong itak sa loob ng sasakyan ni Macabeo.

Dahil dito, nagkaroon ng oportunidad ang apat na pulis na ‘takutin’ si Macabeo sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya na labag sa batas ang pagdadala ng itak at ang pagdadala nito ay may parusang 12 taong pagkabilanggo.

Dahil sa sobrang takot, napilitan ang biktima na ibigay ang kanyang wallet na may lamang P300.

Sa kalaunan, nadiskubre ni Macabeo na nawala rin ang kanyang P31,000.

Dahil dito napilitan nang magreklamo si Macabeo sa QCPD.

Nakarating sa media ang pangongotong at pagnanakaw ng P31,000 nina PO3 Banatao, PO3 Morales, PO2 De Asis Jr., at PO1 Laylo kay Macabeo, ngunit tahasang itinanggi ng apat ang reklamo ni Macabeo nang makausap sila ng media.

Idiniin ni Eleazar na ang pagkakatanggal ng apat sa QCPD at paglipat sa ARMM ay bahagi ng patuloy na paglilinis ng Philippine National Police (PNP) mula sa mga masasamang-loob sa hanay nito.

Simula nang italaga si Eleazar bilang direktor ng QCPD noong Hulyo 1, marami nang masasamang pulis ang natanggal sa QCPD at inilipat sa Mindanao, kabilang na ang may ranggong colonel.

Nabatid ng Tapatnews.com na hindi lamang mga pulis na sangkot sa iligal na droga ang ipinatatanggal ni Eleazar, kundi maging iyong mga sangkot sa iba pang mga masamang gawain na hindi dapat ginagawa ng pulis.

Idiniin ni Eleazar na patuloy niyang gagawin ang paglilinis sa hanay ng QCPD, sapagkat tulad ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa at Pangulong Duterte,    kumbinsido siyang nararapat lamang na linisin ang PNP mula sa masasamng pulis.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like