4-o’clock habit laban sa dengue – DOH

NILUNSAD ng Deparment of Health (DOH) ang 4-o’clock habit upang paigtingin ang kampanya para puksain ang sakit na dengue sa bansa.

Ang lamok na may dalang dengue virus ay pinipiling kumagat sa mga oras na alas 4:00 hangang alas 6:00 ng hapon at umaga kaya nilunsad ito ng DOH upang maging oras laban sa dengue sa pamamagitan ng pagsira sa mga tirahan ng lamok at pakikinig sa mga balita ukol sa kaso ng dengue sa kalapit na lugar.

Ayon sa kalihim ng  DOH na si Enrique Ona, ang pangunahing epektibong paraan ay hikayatin ng mga opisyal ng barangay ang mga tao upang gawin ang 4-o’clock habit.

Simula Enero hanggang Marso ngayong taon may naitalang 23,615 na kaso ng dengue at 104 dito ang nasawi. [Rica Canon]

You May Also Like