4 Kasong Kriminal, Isinampa vs Aquino at Abad

Ni: Joel O. Amongo

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ng katiwalian, technical malversation, usurpation of legislative powers, at grave misconduct sina dating Pangulong Benigo Simeon Cojuangco Aquino 3rd at dating Budget chief Florencio “Butch” Abad kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

 
Ang nagsampa ng kaso ay sina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Bayan Secretary General Renato Reyes kung saan ang pangunahing layunin ng dalawa ay upang panagutin sina Aquino at Abad sa umano’y ginawa nilang krimen sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng pondo ng pamahalaan na inilaan sa kontrobesiyal na DAP.
 
Ang pondo ng pamahalaan ay galing sa mga buwis na ibinabayan ng mamamayan.
 
Idiniin nila Zarte at Reyes sa knilang reklamong isinampa ngayong Biyernes, nagsabwatan daw sina Aquino at Abad sa paggamit ng malaking pondo ng DAP.

 

 Ayon sa mga  nagreklamo, inabuso nina Aquino at Abad ang kanilang kapangyarihan para iimplementa ang DAP sa pamamagitan ng “paglipat ng pondo” noong 2011, 2012, at 2013 General Appropriation Acts sa DAP.
 
Nilabag nila Aquino at Abad ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, tugon ng dalawa, kung saan nagbigay ng “undue injury to complainants and the various sectors of the public they represent, including the government, in the discharge of their official administrative functions through evident bad faith or gross inexcusable negligence, as a result of the implementation of the DAP.”
 
Sina Aquino at Abad ay kinasuhan din ng “grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service and gross dishonesty.”
 
Kasama rin sa mga nagreklaamo sina Alliance of Concerned Teachers Chairperson Benjamin Valbuena, Courage President Ferdinand Gaite, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Dante Jimenez, Mae “Juana Change” Paner, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Secretary General Antonio Flores, Gabriela Secretary Joan Mae Salvador, Kadamay Chairperson Gloria Arellano at Philippine Heart Center Employees Association President Bonifacio Carmona.
 
Ang isinampang kaso laban kay Pangulong Aquino ay pangalawang kasong kriminal matapos sampahan ito kamakailan sa Office of the Ombudsman ng 44 homicide cases ng mga kamag-anak ng 44 Special Action Force (SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015. (may ulat si Mico Agustin)

You May Also Like