‘Digong, Nasaan ang Plano mo para sa mga Manggagawa at Magsasaka’—Auxiliary Bishop Pabillo

 

 

Ni: Marites Badilla

TAHASANG umaasa ang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Laity na babanggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State-of-the-Nation-Address (SONA) sa Lunes ang kongkretong plano kung paano tatapusin ang kontraktuwalisyon at paano rin magkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.

Ayon kay Pabillo, taga-pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Laity, si Duterte “ay mayroong magagandang pangako noong eleksyon at umaasa kami na magbibigay siya ng detalye kung paano maipapatupad ang kanyang mga sa manggagawa at magsasaka.”

“Ang kongkretong  plano kung paano tatapusin ang ‘endo’ (end of contract), kongkretong plano kung paano mabibigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka,” patuloy ni Pabillo.

Sa Lunes magaganap ang una sa anim na SONA ni Duterte sa loob ng amin na taon ng kanyang panunungkulan.

Inaasahang ilalatag ni Duterte ang kanyang mga patakaran at gagawin ng kanyang administrasyon mula ngayong 2016 hanggang 2022.

Kasama sa mga inaasahan ay ang eksaktong ipapagawa ni Duterte kina Labor Secretary Sylvestre Bello 3rd upang matapos ang kontraktuwlisasyon, o endo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano upang mabigyan ng sariling lupang sasakahin ang mga magsasaka.

Batay sa datos ng pamahalaan, higit kalahati ng 67.1 milyong manggagawa ang kontraktuwal.

Samantala, higit 55,000 magsasaka ang walang sariling lupang sinasaka.

Ang pahayag ni Pabillo ay solidong suportado ng mga organisasyon ng mga manggagawa at samahan ng mga magsasaka.

You May Also Like