3,000 Ampon ng DSWD, ‘Philhealth Kids’ na

 

Ni: Roy Bersales

 

IPAPASOK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 3,528 batang walang magulang sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) upang magkaroon ng regular na benepisyo.

Ayon kay Sec. Judy Taguiwalo, sinisimulan na ng DSWD-Field Offices ang pagsasaayos ng kanilang mga pangalan at papeles.

Kabilang sa mabibiyayaan ng grasya ay ang 210 bata mula sa Rehiyon 9.

Ayon kay Taguiwalo, ang mahigit na 3,00 bata mula sa iba’t ibang lugar ay ‘inampon’ ng kagawaran upang maisalba mula sa kawalan ng mga magulang.

Hangad din, aniya ng DSWD, na mabigyan ng magandang buhay ang mga ampon, sa pamamagitan ng pagppalahok sa kanila sa Philhealth bilang panimula.

Ang matatanggap nila sa Philhealth bilang “indigent members” ay “Primary Care Benefit 1 (PCB 1), No Balance Billing (NBB), and other inpatient and outpatient discounts and services.”

Ang proyekto ay nakaugnay sa kasunduan ng DSWD at Philhealth.

Sa kasunduang ito, ang mga batang nasa 20-taong-gulang pababa ay kabilang sa pangkat 3, samantalang iyong higit 21-taon-gulang pataas ay nag-iisa ang istatus.

Sa ganitong pagkakaayos, magkaiba ang matatanggap na benepisyo ng dalawang kategorya.

Sa paglulunsag ng proyekto, inilinaw ni Taguiwalo na “Patuloy pang palalakasin ng departamento ang mga serbisyo para sa mga kabataang nasa pangangalaga nito sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan sa iba’t ibang ahensiya tulad nga ng Philhealth.”

Ang layunin nito “ay upang agarang matugunan natin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, kasama na rito ang pangangalaga sa kanilang kalusugan,” saad ng kalihim.

Kasabay nito ay ang pagsasaayos ng mga pasilidad ng ating mga sentro at institusyon upang maibigay natin ang matapat, maagap at, mapagkalingang serbisyo na nararapat para sa mga nasa bulnerableng sektor ng ating lipunan, patuloy niya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like