30 West Visayas private schools, nagtaas ng matrikula – CHED

PORMAL nang ipinahayag ng Commission on Higher Education (CHED) na magtataas ng matrikula ang 30 private Higher Education Institutions (HEIs) sa Western Visayan sa darating na pasukan 2013-2014.

Alinsunod sa regulasyon ng komisyon, 70 porsyento ng matrikula ay mapupunta sa sahod ng mga guro, ang 20 porsyento naman ay para sa sa pagpaayos ng paaralan, at ang 10 porsyento ay nakalaan sa investment ng mga may-ari ng paaralan.

Samantala, ayon sa Council of Private Education Association, hindi makaaahon ang private schools kung hindi magtaas ng matrikula at iba pang bayarin, bagkos ang mga private institutions ay kumukuha lamang ng revenue sa matrikula ng paaralan.

Ayon sa panayam kay CHED regional director Virginia Resurreccion noong Lunes, pinahintulutan na nila ang 30 pribadong unibersidad at kolehiyo na magtaas ng matrikula at iba pang bayarin.

Naglabas naman kamakailan ang Philipine Associations of State Universities and Colleges ng one year tuition hike moratorium. [Ronalyn Frial]

You May Also Like