3 Opisyal ng PNP – Northern Mindanao, Tanggal dahil Inutil Laban sa Droga

 

Ni: Denz Laguipo

 

TATLONG matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Region 10 (Northern Mindanao) ang tinanggal sa kani-kanilang puwesto matapos mapatunayang pumalpak sa trabaho, pangunahin na ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sa ulat na ipinarating ng PNP –  Northern Mindanao Police Regional Office 10 (PRO-10) sa tanggapan ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ang mga tinanggal sa puwesto ay sina Senior Superintendent Leonilo Cabug (Direktor ng  Camiguin Provincial Police Office), Senior Superintendent  Edgar Daniel (Direktor ng  Misamis Oriental Provincial Police Office), at Senior Superintendent Archival Macala (hepe ng Regional Public Safety Battalion).

Silang tatlo ay sinibak nitong Setyembre 27.

Hinihintay pa ang desisyon ni Director General Del Rosa hinggil sa kanilang paglilipatan.

Ayon sa ulat, batay sa ebalwasyon, sina Cabug, Daniel, at Macala ay pumalpak sa kanilang trabaho bilang mga direktor ng tatlong panglalawigang organo ng pulisya, kaya sila tinanggal at ililipat sa ibang yunit.

Si Senior Superintendent Rolando Destura ang magiging hepe ng PNP sa lalawigan ng Camiguin.

Iiwanan niya ang regional intelligence division ng PNP – Region 10.

Si Senior Superintendent Jaysen de Guzman naman ang bagong hepe ng pulisya sa Misamis Occidental mula sa pagiging komander ng RPSB sa rehiyon ng Ilocos.

Ang mamumuno naman ng RPSB sa PNP – Region 10 ay si Superintendent Danildo Tumanda.

Si Tumanda ay galing sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD).

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like