3 Holdaper, Patay sa Engkuwentro sa QC

 

 

Ni: Paula Antolin

PATAY ang tatlong holdaper nang makipag-engkuwentro sa mga pulis ng Quezon City.

Ngunit, hindi binanggit ng Quezon City Police District (QCPD) kung ano ang mga pangalan ng tatlong suspek.

Ang insidente ay naganap dakong 3:00 N.U. sa kahabaan ng Maximo Viola Street, malapit sa kanto ng Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo.

Ayon sa ulat, nasa aktong hoholdapin ng tatlo si Lita Madera nang biglang may dumating na tropa ng mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang tatlo, ngunit sila ay nagpaputok na nauwi sa barilan hanggang namatay ang tatlo.

Maraming tama ng bala ang tatlo.

Matapos ang insidente, isang kalibre 45, isang 38, at isang granada ang nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek.

You May Also Like