3 Drug Dealers, Patay sa Magkakahiwalay na Engkuwentro sa Pulis-QC

Ni: Paula Antolin

TATLONG pinaniniwalaang notoryus na mga drug dealer ang namatay nang makipagbarilan sa mga pulis sa magkakahiwalay na drug buy-bust operations sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ang pagkamatay ng tatlo ay dagdag sa naunang apat na pinaslang sa Quezon City na may kinalaman sa ipiangababawal na droga, kabilang na ang kapitan ng isang barangay sa Caloocan City na si Edres Domato.

Si Domato ay itinumba ng dalawang pinaniniwalaang “hired killers” nitong unang bahagi ng Hunyo sa Quirino Highway.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, hindi lang Caloocan ang sakop ng operasyon ng sindikato ng droga ni Domato, kundi kabilang din ang Malabon City, Navotas City, Valenzuela City, Bulacan, at maging ang Quezon City.

Ang tatlong namatay kaniang madaling araw sa lungsod ay nakilala lamang sa kanilang mga alyas.

Ang unang namatay ay si alyas  “Ver.”

Ayon sa pulisya, bandang 2:30 N.U. napatay si Ver sa

kahabaan ng San Miguel St. sa  Batasan Hills makaraang makipagbarilan siya sa mga pulis ng Quezon City Press District (QCPD) Station 6 habang nagaganap ang buy-bust operation.

Maraming tama ng bala si Ver sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

 

 

Sabi ng pulisya, limang plastic sachet ang nakuha sa suspek na naglalaman ng limang gramo ng shabu na P6,000 ang halaga, banggit ng pulisya.

Ang kasama ni Ver sa drug operation ay nakatakas habang nagaganap ang barilan, sabi ng pulisya.

Ang ikalawa at ikatlong buy-bust operations ay naganap bandang 3:30 N.U., ngunit sa magkahiwalay na lugar.

Ang isa ay naganap sa kanto ng Kalantiaw Street at Evangelista Street na matatagpuan sa Brgy. Bagong Buhay.

Isang alyas “Gilbert Rex” ang nadali ng mga pulis dito.

Tatlong bala ang tumama sa katawan ni Gilber Rex, ayon sa pulisya.

Ang suspek ay pinagbabaril ng mga pulis nang biglang bumunot ito ng baril.

Sabi ng mga pulis, anim na  plastic sachets na naglalaman ng shabu na P1,000 ang halaga ang nakuha kay Gilbert Rex.

Ang ikatlo at huling napatay ay nakilalang si alyas “John.”

Siya ay nabaril bandang C.P. Garcia Avenue sa Brgy. UP Campus.

Idiniin ng mga pulis Quezon City na lumaban ang tatlo, kaya napilitan silang magpaputok laban sa mga kilalang drug dealers.

Marami-rami rin ang tama ng bala sa kanyang katawan si John.

You May Also Like