3 Carnapper, Patay sa QC

 

Ni: Paula Antolin

 

 

PATAY ang tatlo sa apat na carnapper nang makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis nitong hatinggabi ng Linggo sa Quezon City.

Isa lang sa tatlo ang nakilala hanggang ngayong pasado ala sais ng gabi ng Lunes.

Ito ay isang Archilles Velasco.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng dalawa pa.

Ayon kay Senior Inspector Manuel dela Cruz ng Quezon City Police District – Anti Carnapping (QCPD – ANCAR), ang insidente ay nangyari 16 na minuto bago magmadaling araw ng Lunes sa North Avenue.

Sabi ni Dela Cruz, nakarating sa kanila ang ulat na isang taxi na may plakang AAY 6451 ang kinarnap ng apat na armadong kalalakihan.

Kaya, naglagay ang ANCAR ng checkpoint sa North Avenue kung saan siyam na pulis ang pumuwesto sa lugar, patuloy ni Dela Cruz.

Habang pinatitigil ang nasabing taxi, nagtuluy-tuloy ito sa pagtakbo at nakipagpabarilan sa mga elemento ng ANCAR na nauwi sa pagkamatay ng tatlo.

Ang isa ay mabilis na nakatakas.

Nitong nakalipas na buwan ay mayroon na ring mga namatay na mga carnapper sa lunsod makaraang puwersahang mang-agaw ng taxi.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like