3 ASG patay, 16 sundalo sugatan

TATLONG kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang namatay, samantalang 16 na sundalo ang sugatan sa engkuwentrong naganap sa pagitan ng teroristang pangkat at tropa ng pamahalaan sa bayan ng Patikul, Sulu nitong hapon ng Martes.

Ayon sa ulat na ipinarating ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aquinaldo, naganap ang madugong engkuwentro bandang 2:20 N.H. sa Sitio Bud Duwa Bayho.

Bukod sa mga namatay na tatlong kasapi ng ASG at 16 na nasugatang mga miyembro ng 32 Infantry Battalion (32 IB), 10 pang kasapi ng ASG ang lubhang nasugatan sa nasabing engkuwentro.

Matapos namatayan ng tatlo at nasugatan ng 10, mabilis na tumakas ang 197 miyembro ng ASG, kabilang ang mga sugatan, ayon sa AFP.

Si Lt. Col. Ramon Flores ang namuno sa 32 IB.

Ang Patikul na matatagpuan sa Sulu ay isa mga teritoryo ng ASG.

Itinuturing ng pamahalaang ng Pilipinas at maging ng pamahalaan ng Estados Unidos na teroristang grupo ang ASG na nagkukunwaring nakikibaka para sa interes at kagalingan ng mamamayang Moro sa Mindanao.

Ngunit, sakit ng ulo ng pamahalaan ang ASG dahil saa teroristang gawain nito.

Gusto ni incoming President Rodrigo Duterte na bigyan siya ng kapangyarihang magdeklara ng batas-militar sa ilang bahagi sa Mindanao upang tapusin na sa pamamagitan ng dahas ang mgaa teroristang grupo kasama ang ASG.

Pabor dito ang AFP.

You May Also Like