3 Anti-Illegal Drugs Cops, Huli sa Pangingikil

Ni: Paula Antolin

TATLONG pulis-Quezon City ang inaasahang masibak mula sa Philippine National Police (PNP) at makukulong dahil sa kasong extortion.

Kinilala ni Supt. Lito Patay, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 6, ang tatlong suspek na sina PO1 Ronald Clarin, PO1 Edgar Allan Cu, at PO 3 Angelito Resureccion.

Sina Clarin, Cu, at Resureccion ay nakadestino sa Station Anti-Illegal Drugs – Special Operations Task Group (SAID-STOG) ng QCPD-PS 6.

Ayon kay Patay, sina Clarin at Cu ay nadakip ng mga kasamahan niya sa loob mismo ng PS-6 sa ganap na ala 9:00 N.U. makaraang matanggap nila ang P10,000 hiningi nila sa pamilya ng isang drug dealer suspect na nakakulong sa P-S 6.

 

 

Hindi kasama si Resureccion sa nahuli sa “entrapment operation” dahil hindi siya sumama sa pagkuha ng P10,000.

Ang P10,000 ay karagdagang halaga sa hiningi ng mga pulis upang gawing bailable offense ng nasakoteng drug dealer upang makalaya ang nahuli, saad ni Patay.

Iyong P5,000 ay una nang ibinigay ng biktima ng pangingikil kay Resureccion noong Sabado.

Idiniin ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, director ng Quezon City Police District (QCPD), na ang pagdakip sa 2 extortionist cops ay “isang warning” sa mga pulis na gagawa ng krimen, lalo na iyong mangingikil sa mga taong  sangkot sa droga.

Sabi ni Eleazar, kailangan talagang linisin ang QCPD mula sa mga hindi kanais-nais na mga pulis.

You May Also Like