27 patay sa election-related violence

PUMALO na sa 27 katao ang napaslang, at 24 katao naman ang sugatan sa naitalang 45 insidente na may kinalaman sa halalan o election-related violence (ERV) simula nitong Enero 12.

“Tiyak na mas payapa ngayon. Sa mga nakalipas na eleksyon, ang mga insidente ng karahasan lumalagpas ng 200…Masasabi ko na malaki ang binaba kumpara sa dati,” pahayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo Jr.sa pinaghalong Ingles at Tagalog.

Sa 27 na nasawi, 12 ang barangay kagawad, 9 ang barangay chairmen,  mayor, councilor, tumatakbong konsehal, government official/election officer, at dalawang supporters.

Naitala naman sa bahaging Western Mindanao Police Region ang pinakamataas na insidente na anim, habang tig-tatlo naman sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Dalawa sa Metro Manila, tig-isa sa Valenzuela at Quezon City, kung saan sa lungsodng Quezon ay si Mayor Erlinda Domingo ng Maconacon, Isabela, ang nag-iisang naitalang pinaslang nitong nakalipas na Enero22.

You May Also Like