24 Dati at Kasalukuyang Opisyal ng Pamahalaan, Pinalagan ang DILG

 

USEC. JOHN CASTRICIONES
USEC. JOHN CASTRICIONES

Ni: Denz Laguipo

 

DALAWAMPU’T apat sa 52 dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaang lokal ang tumangging magpaimbestiga sa Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa posibleng pagkakasangkot nila sa bentahan ng iligal na droga, o pagiging protektor ng sindikato ng nasabing bawal na produkto.

Sabi ni DILG Undersecretary John Castriciones, pinuno ng Task Force Aguila, sa media na ang  imbestigasyon sa 52 dati at kasalukuyang mambabatas, gobernador, alkalde, at iba pang opisyal ng pamahalaang lokal ay upang alamin kung totoo ang impormasyon ng kanilang pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa mga lugar na kani-kanilang nasasakupan, o hindi.

Ani Castriciones, 28  ang nakikipagtulungan, samantalang ang 24 ang hindi.

Pero, kahit tumanggi ang 24 na imbestigahan ng Task Force Aguila, may ibang yunit ng pamahalaan ang mag-iimbestiga sa kanila, patuloy ng opisyal.

Karamihan sa mga ayaw makipagtulungan sa Task Force Aguila ay mula sa Mindanao na 14 lahat.

Sumunod ang Luzon sa bilang na pito.

At ang ikatlo at huli ay ang Visayas na tatlo ang mga matitigas ang ulo.

Sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming opisyal sa tatlong sangay ng pamahalaan ang pasok sa operasyon ng iligal na droga.

Dalawang alkalde na ang mga napatay ng mga alagad ng Philippine National Police (PNP) dahil sila ay nanlaban.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like