Bise Presidente – anong kontribusyon kung walang posisyon sa gabinete?

Tila hanggang ngayon ay wala pa ring balak ang President-elect Rodrigo Duterte na italaga si Vice President-elect Leni Robredo sa anumang posisyon sa gabinete ng susunod na administrasyon.

Ipinahayag ni Duterte noong ika-31 ng Mayo, na wala siyang balak na bigyan ng anumang posisyon ang kanyang Bise-Presidente , dahil ayaw nito umanong masaktan ang kaibigang si Bongbong Marcos, na naging mahigpit na kalaban ni Robredo.

“non-committal ako diyan. You know why? I don’t want to hurt the feelings of Bongbong Marcos. He is my friend. That is the political reality.”

Tugon naman ni Robredo, handa pa rin daw siyang ialay ang buong sarili upang gampanan ang kanyang responsibilad, kahit pa wala siyang kalulugaran sa listahan ni Duterte.

Si Robredo na ang magiging ikalawang Bise-Presidente na walang hinawakang kagawaran, ahensya o hukbo sa pamahalaan, kung sakaling tuluyang hindi siya mabigyan ng pwesto ng Pangulo.

Sa 13 Bise-Presidente na nagdaan mula noong 1935, natatanging si Diosdado Macapagal pa lang ang naging pangalawang pangulo na wala ring naging katungkulan sa gabinete, sa ilalim ng Pangulong si Carlos Garcia.

Samantala, ang sinundan naman ni Robredo na si Jejomar Binay ang siyang gumanap bilang Chairman ng Housing and Urban Development Council at naging Presidential adviser rin ng overseas Filipino workers.

Ano na lang kaya ang gagampanang tungkulin ng ating pangalawang- pangulo, kung tuluyang laktawan siya ni Duterte at hindi mabigyan ng katungkulan? Paninidigan nalang ba niya ang mga taguri na pangreserba o lang siya?

Screen Shot 2016-06-05 at 10.36.10 PM

Naging karaniwang bansag sa Pangalawang Pangulo na siya ay “spare tire” lamang para sa Pangulo, dahil sa isa sa mga pangunahing tungkulin nito ay ang humaligi sa pinaka mataas na posisyon sa pagkakataong ang president ay maalis sa katungkulan o makaranas ng maagang pagpanaw.

Nakasulat sa Saligang Batas sa Article VII, Section 8 na “the vice president shall serve the remaining days of a president’s term “in case of death, permanent disability, removal from office, or resignation.”

Ang pangalawang pangulo ang siyang sumunod na pinakamataas na may katungkulan sa ating bansa. Ngunit kung sa sukatan ng kapangyarihan o awtoridad, tanging ang pangulo lamang ang makakapagbigay nito sa kanyang bise. Sa huli, nakasalalay sa magagawa, gagawin at nagawang kontribusyon nito ang tunay na sukat ng kanyang kagalingan na magampanan ang tungkuling humalili sa Pangulo ng ating bansa. (Brenda Grifon)

You May Also Like