22 ‘PALPAK’ NA MINAHAN, PINABAYAAN NG DENR

 

Ni: Marites Badilla

 

KUNG tapat lamang na binusisi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay siguradong maraming matitigil na minahan sa bansa nitong nakalipas na  anim na taon, dahil sa mga intensyonal na paglabag sa Comprehensive Mining Act.

Ang problema, nagpabaya ang dating DENR Secretary Ramon Paje sa tungkulin at obligasyon nito hinggil sa pagmimina.

Sec. REGINA LOPEZ
Sec. REGINA LOPEZ

Sa patuloy na pagsisiyasat ng DENR ay nadiskubreng 12 ang mining firms na nakitaan at napatunayang lumabag sa batas, saliwa sa panlipunang pagbabago, at taliwas sa mga alitununin sa pagmimina, banggit ni Usec. Leo Jasareno.

Karamihan sa lumabag ay mineral ang minimina, patuloy ni Jasareno.

At karamihan din sa mga ito ay matatagpuan sa Mindanao, aniya.

Ang rekomendasyon sa 12 ay isuspinde, ngunit, si Sec. Regina Lopez ang magpapasya nang pinal, banggit ng ikalawang kalihim.

Kapag tinuluyan ni Lopez ang 12, lalabas na 22 na ang suspendidong minahan sa bansa simula nang rebyuhin at mag-ebalwasyon ang DENR hinggil sa industriya ng pagmimina noong Hulyo 1.

Idiniin ni Lopez nang pumasok siya sa DENR, ipatitigil niya ang operasyon ng mga mining company na lumalabag sa Mining Act at hindi tumatalima sa mga alintuntunin sa pagmimina.

Ang tindig ni Lopez ay nakabatay sa pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na tamang pagmimina lamang ang paiiralin sa bansa.

Ayon kay Jasareno, posibleng madagdagan pa ang 22 dahil hindi pa naman tapos ang ebalwasyon ng DENR sa lahat ng mga kompanya.

Batay sa ebalwasyon ng DENR, matagal nang lumabag  ang 22 minahan, ngunit malakas na nagpatuloy ang kanilang operasyon, sapagkat hindi naman sila pinag-ukulan ng pansin ni Paje.

Ayon sa Ibon Foundation at Alyansa Tigil Mina (ATM), wala pa sa isang porsiyento ang ambag ng buong industriya ng mina sa gross domestic product (GDP).

Kaya, walang dapat ipangamba kung mapapasara ang lahat ng minahan sa bansa, banggit ng Ibon at ATM.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like