Awit ng mga Awit

October 22, 2013 12:21 pm2 commentsViews: 158

Ang dami talagang #CoolCatholics! Isa sa mga taong nakakapag inspire sa akin ngayon ay isang brother na kasama ko sa CFC Singles for Christ community, si Rommel Gojo. Si Brother or Kuya Rommel ay hindi lang isang magaling na lider ng community kundi sobrang mabait na kaibigan and of course, isang napakagaling na musician.

rommel gojo

Matutuwa ka sa kanya kasi he always writes songs for the Lord. Aside from that, nagsusulat pa sya ng kanta para sa mga brothers and sisters naming ikakasal. Yung klaseng kantang mapapadasal ka talaga, yung tagos sa puso, yun oh! Noong isang buwan lang, naging finalist ang kanta ni Kuya Rommel sa ‘A Song of Praise Music Festival 2013.’ Ang kanyang ginawang kanta ay may titulong “Ang awit ng mga awit” na inspired naman sa Song of Songs na libro sa Bible.

Nagpapasalamat ako kay Kuya Rommel sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makausap sya at matanong man lang ang aking mga “silly” questions. Here goes…

Sky: Ano ang iyong mga simple joys?

Rommel: Sleeping, relaxing outdoors while enjoying nature’s beauty, eating healthy meals, working out, time kasama ang pamilya at kaibigan, pagbasa ng Bible at inspirational materials, pag-serve sa community, listening to good music, singing at pagsusulat ng kanta.

Sky: Paano nakakapag- inspire sa’yo ang music?

Rommel: Hearing the right song/music at the right time lifts me up into higher realms. It gives my life meaning and purpose.

Sky: Ano iniisip mo bago ka magsulat ng kanta?

Rommel: Always akong nagsisimula sa isang prayer to seek inspiration and guidance from the Divine Musician.

Sky: What inspired you to write “Awit ng mga Awit”?

Rommel: Inspired by Zephaniah 3:17 and the Song of Songs, Awit ng mga Awit* is a song that represents every man’s constant longing to find/experience true love. It equates the greatest song with the love of God for all of us.

—-

AWIT NG MGA AWIT

Lyrics and Music by: Rommel Gojo
Interpreted by Reymond Sajor, is one of the Grand
Finalists in A Song of Praise (ASOP) Music Festival 2013

For more info:  http://www.asoptv.com/finalist/ROMMEL-GOJO/

Download this song (FREE):  http://www.asoptv.com/downloads-2013/

I
Kay rami kong naririnig
Mga tinig sa aking paligid
Maging sa loob ng aking dibdib
Kay ingay, ‘di matahimik

CHORUS 1
Ang awit ng mga awit
Mithiin ng pusong nananabik
Masumpungan ang tunay na pag-ibig
Na ngayo’y kay ilap sa ating daigdig

II
Ngunit dumating Ka at handog Mo
Matamis na himig ng pagsuyo
Tapat at wagas na pangako
Tanging pag-asa ng buhay ko

CHORUS 2
Ang awit ng mga awit
Ang pinakadakilang awit
Ito ang himig ng Iyong pag-ibig
Sa puso kong nananabik

BRIDGE
Ang himig Mo’y kay sarap pakinggan
Ang salita Mo’y aking panghahawakan
Ang dala Mo’y tunay na kaligayahan
Ang pag-ibig Mo’y walang hanggan
Walang hanggan

REPEAT CHORUS 1 AND CHORUS 2

CODA
Ito ang himig ng Iyong pag-ibig
Sa puso kong nananabik (2X)

2 Comments

Leave a Reply