2013 Palarong Pambansa bubuksan sa Abril 21 sa Dumaguete

palarong pambansa archery

INAASAHANG unti-unti nang magsisidatingan sa Dumaguete City, Negros Oriental sa linggong ito ang mga delegasyon mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa para sa 2013 Palarong Pambansa.
Ang taunang palaro para sa mga atletang mag-aaral ng elementarya at high school ay magbubukas sa Abril 21 at magtatapos sa Abril 27. Ang opening ceremony ay idaraos sa Mariano Perdices Memorial Coliseum kung saan lalaruin ang karamihan sa mga sports events.

Maglalaban-laban dito ang mga kinatawan ng 16 regions ng bansa tampok ang 18 na sports disciplines na archery (na gaganapin sa Ang Tay Gold range), arnis (sa Holy Cross High School gym), badminton (The Court-LP Hypert Mart), baseball (Dr. Orbeta Ball Park at Silliman Heights Ball Park), basketball (Lamberto L. Macias Sports Center at Silliman University gym), boxing (Robinson’s Place Atrium), chess (Dumaguete Cathedral Credit Cooperative Function Hall), football (Silliman University Cimafranca Ball field, SU Ravelo Field at Foundation University Football field), gymnastics (NORSU Cultural Center), sepak takraw (SLS-Don Bosco High School gym), sipa (Catherina Cittadini High School gym), softball (Cimafranca Ball Park Diamond), swimming (LG Teves Aqua Center), table tennis (NOCC Plenary), taekwondo (SPUD gym), tennis (Praxevilla Tennis Court, SU Tennis Center at YMCA), track and field (Lamberto L. Macias Sports Center at Silliman University gym), at volleyball (ACSAT gym/FU-IYSP gym).

Tatlong events naman ang idinagdag sa taong ito bilang mga demonstration sports. Ang mga ito ay wushu for secondary boys and girls, billiards for secondary boys at futsal for elementary girls.

Tinatayang hindi bababa sa 10,000 atleta ang inasahang lalahok sa 2013 Palarong Pambansa.

Noong isang taon ang Palarong Pambansa ay ginanap sa Lingayen, Pangasinan kung saan nakuha ng National Capital Region ang overall championship. Pumangalawa naman ang Western Visayas at pumangatlo ang Calabarzon.

You May Also Like