2013 eleksyon, mas payapa

NAITALA ng Philippine National Police (PNP) na mas mapayapa ang taong 2013 kumpara sa nakalipas na taong 2010, batay narin sa election-related incidents (ERI).

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo Jr. “Mas konti lang ang naitalang insidente ngayong eleksyon, na nasa 45 validated ERIs at 40 porsiyento din ang ibinabang kaso ng insidente”.

Simula Abril 24, 76 insidente ang naitala ng kapulisan simula ng election campaign noong Enero 13.

Ayon sa PNP Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM), may naitalang 61 shooting incidents, 6 strafing, 3 stabbing, 1 grenade-throwing at 4 pang ibang insidente, habang 57 naman ang iniimbestigahan pa, at 19 ang sinsabing nasa prosecutor’s office.

76 insidente ang nagsasabing kumitil ng halos 50 katao, at karamihan ay sangkot ang mga local government officials, at 40 na sugatan.

24 ay itinatalang village councilmen, 14 village chairmen, 6 supporters, 2 municipal councilor, 1 mayor, 1 government official at 1 candidate ang sinasabing lubhang nasugatan. [Ronalyn Frial]

You May Also Like