2,000 NAMAMATAY TAUN-TAON DAHIL SA COAL POWER

 

Ni: Joel O. Amongo

 

 

DAPAT “zero coal power plant” na sa Pilipinas, sapagkat 2,000 katao ang namamatay taun-taon dahil dito.

Nakakatakot na ang epekto ng coal power, banggit ni Gerry Arances, convenor ng Center for Energy and Ecology Development (CEED), sa isinagawang press conference ngayong Huwebes.

Ang napakabahong amoy ng planta ng uling ay nakakahika at nagbibigay sakit sa baga at balat, patuloy ni Arcenas.

Idiniin niya na hindi biro, o aksidente ang kalagayan na 2,000 katao ang namamatay kada taon, kundi isang karumal-dumal na krimen.

Ang uling na galing sa pagmimina ng uling ay isa sa pinagkukunan ng enerhiya dito sa Pilipinas upang magkaroon ng kuyente ang bawat bahay, kumpanya, at pabrika.

Ang Semirara Mining Corporation na pag-aari ng pamilya ni David Consuji ay isa sa pinakamalaking kumpanya ng coal mining sa bansa.

Ang Semirara ay siyang mayroong exklusibong karapatan na magmina ng uling sa Antique.

Iniimbestigahan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Semirara dahil umano sa paglabag sa ilang batas sa kapaligiran.

Sabi ni DENR Sec. Regina Lopez, ipatitigil niya ang operasyon ng Semirara kung mapatunayang may mga paglabag ito sa batas at pamantayan sa pagnenegosyo ng coal mining.

Ayon kay Arances, bukod sa delikado sa kalusugan ang uling, masyadong mahal ang binabayarang kuryente na galing dito.

Aniya, ang kuryente mula coal power plant ay 3 hanggang 7 piso per kilowatt hour ang bayad.

Ang kuryeteng galing sa solar enery ay nasa P1.35 lang ang per kilowatt hour.

Sa Chile, mababa ang bayad sa kuyente kada buwan dahil mula ito sa solar energy, saad ni Arances.

Ang kuryenteng binabayaran sa Meralco ay pumapalo sa  P12 per kilo watt hour, patuloy ng aktbista.

Idiniin pa niya na hindi papayag ang mga negosyante sa negosyo ng coal mining na lumipat ang bansa sa solar energy, sapagkat maliit ang kikitain nila rito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like