20 Katao, Kinatay

KAHIT saang bahagi ng mundo ay mayroong patayan.

Kamakailan lang, maraming pinatay sa Estados Unidos.

Saa Pilipinas, may serye ng pamamatay sa mga drug lord at drug pusher.

Ngayon namang Sabado ng umaga, 20 katao ang pinatay sa isang café sa Bangladesh sa pamamagitan ng pagtataga sa mga biktima, ayon kay Brigadier General Nayeem Ashfaq Chowdhury.

Labintatlo ang nailigtas sa naganap na krimen.

Ayon kay Chhowdhury, ang 33 biktima ay binihag ng anim na armadong kalalakihan habang nasa loob sila ng isang café simula nitong Biyernes ng gabi.

Ang 13 nakaligtas makaraang lusubin at makipagbarilan ang mga sundalo sa anim na kalalakihang armado ng mga matataas na kalibre ng mga baril Sabado ng umaga.

Propellerads

Tatlo sa nailigtas ay dayuhan.

Patay ang anim na mamatay-tao.

Bukod sa 20 namatay, dalawang pulis ang namatay sa kalagitnaan ng pakikipagbarilan ng mga awtoridad sa mga suspek.

Hindi ba tiyak ang eksaktong motibo kung bakit pinasok ng mga suspek ang café at pumatay ng 20 katao habang sinusulat ang balitang ito. (Tapat News Team)

You May Also Like