2 Pulis, 3 Kakosa, Kulong

Ni: Paula Antolin

POSIBLENG sa bilangguan na magretiro ang dalawang pulis na nahuli sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes ng hapon.

Makakasama  ng dalawang parak sa bilangguan ang kanilang katropa sa drug-trafficking.

Ang mga nadakip na pulis ay nakilalang sina Chief Insp. Churchill Marcelo (43), residente ng No. 23 Gonzales St., A. Bonifacio, Balintawak, Quezon City at PO1 Erwin  Reginaldo (37), residente ng Sitio 1 Kaliwa, Brgy. Batasan Hill ng Quezon City.

Sina Marcelo at Reginaldo ay mga na nag-awol.

 

 

Ang mga kasabwat nila ay sina Cristina  Oreta (29) ng Brgy. Batasan, Johnatan dela Cruz (32) ng Brgy. Commonwealth, at Renato  San Antonio (42) ng Brgy. Commonwealth din.

Ayon kay Supt. Lito E.  Patay, ang lima ay kinasuhan na sa piskalya ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Drug Act of 2002.

Sabi ni Patay, hepe ng Police Station 6 ng QCPD, malaking kabawasan sa talamak na bentahan ng shabu sa Barasan area.

Ayon kay SPO2 Hilario Nebato, dakong 4:00 N.H. ng Hulyo 12 nasakote ang lima sa buy–bust operation sa No. 23 Kaunlaran Sr., Brgy.Commonwealth, QC.

You May Also Like