2 ‘Narcomayors’ Sumuko

 

 

Ni: Marites Badilla  
 
TUMIKLOP ang mga matitikas na pakpak ng dalawang alkalde mulang Lanao del Sur na nasa ‘hit list’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi sumuko sa Philippine National Police (PNP).
 
Ang mga sumuko kay PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay sina Maguing Mayor Mamaulan Abinal Molok at dating Marantao Mayor Mohammadali Abinal.
 
Matatandaan na sina Molok at Abinal ay tinukoy ni Duterte na sangkot sa droga.
 
Sabi ni Dela Rosa, handang makipagtulungan ang dalawa sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.
 
Ani Dela Rosa, sina Molok at Abinal ay isasailalim sa malalimang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
  
Ibinisto ni Dela Rosa sina Molok at Abinal na sila ay pasok sa operasyon ng drug lord na si “Marimar” ng Cagayan de Oro.
 
Ang operasyon ni Marimar ay sa Lanao na umaabot sa Quiapo, Cavite, at Caloocan.
 
Ayon kay Dela Rosa, marami pang susuko sa susunod na mga linggo.
Inanunsyo ng Malakanyang kamakailan na mayroong 27 alkalde sa Pilipinas ang protektor ng mga sindikato ng iligal na droga.

You May Also Like