2 Milyong Trabaho, Hatid ng $15-B Investment ng China sa Pilipinas

 

MAKASAYSAYANG PAGTATAGPO : Ang pagdalaw at pakikipagkaisa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nauwi sa $24 Bilyong investment at tulong ng China sa Pilipinas na makapaglilikha ng milyun-milyong hanap-buhay na kailngang-kailangan ng mga Pilipino.
MAKASAYSAYANG PAGTATAGPO: Ang pagdalaw at pakikipagkaisa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China ay nauwi sa $24 Bilyong investment at tulong ng nasabing bansa sa Pilipinas na makapaglilikha ng milyun-milyong hanap-buhay na kailangang-kailangan ng mga Pilipino.

Ni: Roy Bersales

 

HINDI dapat batikusin ang $15 Bilyong investment na ipapasok ng China sa Pilipinas, sapagkat 2.4 milyong trabaho ang ihahatid nito sa mga Pilipino, banggit ng Associated Labor Unions (ALU).

Ayon kay Alan Tanjusay, taga-pagsalita ng ALU, ang Mindanao Railway, halimbawa, na bahagi ng $15 Bilyong investment ay aabot sa 2.4 milyong trabaho maibibigay nito sa mga Pilipino sa loob ng tatlong taon.

Ang $15 Bilyon ay bahagi ng $24 Bilyong kasunduang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at China na nakamit ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Pinakamalaki sa  kasaysayan ang nasabing halaga na dala ng Pangulo sa isang kasunduang pinasok sa ibang bansa.

Sabi ni Tanjusay, ispesipikong posibleng mabigyan ng trabaho sa proyektong Mindanao Railway ay ang 700,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Kingdom of Saudi Arabia simula nang iprayoridad ng pamahalaan ng nasabing bansa na bigyan ng trabaho ang kanyang mamamayan kaysa mga dayuhan, kabilang na ang OFWs, noong 2011.

Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment  (DOLE), mayroong 7.881 milyong Pilipino ang walang trabaho simula nitong Enero ng taong kasalukuyan.

Nasa 2.468 milyon naman ang mababa ang kita batay sa natapos nilang pag-aaral nito ring Enero, saad din ng DOLE.

Ang ALU, Federation of Free Workers (FFW), Partido Manggagawa (PM), at iba pang organisasyon ng uring manggagawa ay kumbinsidong kailangang tuluy-tuloy ang pamahalaan sa paglikha nito ng trabaho na ang sahod ay kayang bumuhay ng pamilya.

Idiniin dati ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW, na malinaw ang isinasaad ng batas-paggawa na kinakailangang nakabubuhay ng pamilya ang tinatanggap na sahod ng mga manggagawa.

Idiin pa ng bihasa sa batas-paggawa na si Atty. Matula na ang pagpapasahod nang kapos at hindi kayang makabili ng mga batayang pangangailangan ng bawat pamilya ng manggagawang Pilipino ay malinaw na paglabag sa batas-paggagawa.

Isinilang ang batas-paggawa sa bansang ito upang magsilbing ligal na gabay ng mga opisyal sa pamahalaan, kapitalista, at manggagawa kung paanong titiyaking nabubuhay ng wasto at makatao ang mga manggagawa.

Ani Tanjusay, ikinatutuwa ng ALU ang ginawa ni Duterte, sapagkat, aniya “These investment pacts are thus far the most substantial and very strategic ever to be built in the country in most recent years following the shift of Duterte administration to pursue an independent foreign policy.”

Aniya, ang investment ng China na ipapasok sa bansa ay siguradong lilikha ng mahigit 2 milyong hanap-buhay.

“Aside from Filipino construction workers who would directly benefit from these investments, we are looking at the allied job opportunities that will be created as a result of the construction of projects. Small and medium businesses will start to converge around these projects to cater to the needs of the workers, engineers, architects, etc and as well as the material needs of the projects itself,” paliwanag ng lider-manggagawa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like