2 Menor de Edad Patay nang Mabagsagsakan ng Pader

 

 

KAWAWANG MAHIRAP: Delikado talaga ang buhay ng mga mahihirap dahil kahit kapag namatay sila dulot ng masamang panahon ay pihadong lalong madidiin ang pagiging nilang mahirap katulad ng sinapit ng dalawang menor de edad na nabagsakan ng gumuhong pader sa Maynila na sa bangketa ibinurol. (Jay-Ar Ortorero)
KAWAWANG MAHIRAP: Delikado talaga ang buhay ng mga mahihirap dahil kahit kapag namatay sila dulot ng masamang panahon ay pihadong lalong madidiin ang pagiging nilang mahirap katulad ng sinapit ng dalawang menor de edad na nabagsakan ng gumuhong pader sa Maynila na sa bangketa ibinurol. (Jay-Ar Ortorero)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
ANG pagkamatay ng dalawang menor de edad nang mabagsakan ng pader sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Maynila ay malinaw na halimbawa kung paano ang sitwasyon ng mahirap kapag masama ang panahon.
 
Ang magkapatid na sina Arjhelyn Jhoyce Viriña, 16, at  Mary Hope, 14, ay namatay nitong Sabado ng gabi nang mabagsakan sila ng gumuhong pader malapit sa barung-barong na tinitirhan nila sa Orequeta St., Sta. Cruz Manila.
 
Sa kasagsagan ng malakas na ulan, gumuho ang pader na nagsisilbing harang na naghihiwalay sa Brgy. 310 at 312.
 
Walang sinisisi ang kanilang lola na si Grace Berdad sa pangyayari, sapagkat aksidente ang nangyari.
 
Ngunit, humihingi si Bagdad ng tulong sa mga mayayaman sa Maynila at kay Mayor Joseph “Erap” Estrada upang maging maayos naman ang pagpapalibing niya sa kanyang mga apo.
 
‘Erap para sa mahirap’
 
Matatandaang palaging sinasabi ni Estrada sa mga botante tuwing halalan na siya ay maka-mahirap.
 
Ang kanyang islogan ay “Erap para sa Mahirap.”
 
Ani Bagdad, talagang walang-wala sila dahil kahit siya ay walang maayos na trabaho, kaya sa bangketa lamang nakaburol ang dalawa niyang apo.
 
Ang sinapit nina Arjhelyn Jhoyce at Mary Hope ay siya nang pinakamasahol sa mga nabiktima ng napakalakas na ulan dulot ng habagat sa Metro Manila simula nitong Biyernes, sapagkat ang dalawa ay nabagsakan ng pader na naghahati sa dalawang barangay.
 
Tatlo pa
 
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo, isang pa ang namatay sa Manila.
 
Naganap ito nang malunod sa sa pumping station sa Nagtahan, saad ng NDRRMC.
 
Isa rin ang namatay nang tamaan ng nawasak na pader ang kanilang bahay sa Quezon City.
 
Ang isa pang namatay, ayon pa rin sa NDRRMC, ay isang 68-taong-gulang nang malunod sa Malbug River sa Iloilo.
 
Higit 70,000 katao
 
Iniulat din ng nasabing ahensiya na umabot sa kabuuang 15,665 pamilya, 70,665 katao ang apektado ng napakalakas na ulan sa Metro Manila, Negros Island Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.
 
Sa Metro Manila, mabilis bahain ang Marikina, ilang bahagi sa Quezon City, ilang bahagi sa Maynila, ilang bahagi sa Caloocan City, maraming bahagi sa Malabon City, gayun din ang Navotas City, at Valenzuela City.
 
Abala naman ang lahat ng pamahalaang lokal sa buong Metro Manila, maging iyong mga nasa hindi bahaing lugar.
 
7 Kalsada, 21 Bahay
 
Samantala, pitong kalsada sa Benguet, Bulacan, Pampanga, at Batangas ang hindi madaanan dulot ng pagbaha at pagguho ng mga lupa, patuloy ng NDRRMC.
 
Tinatayang 21 kabahayan ang nasiraa sa bayan ng Pontevedra at Pulupandan sa Negros Occidental.
 
Reklamo sa SM Mall Benalewala ni Ynares
 
Sa lalawigan ng Rizal, ang madalas lamang namang bahain sa matagal nang panahon ay ang ilang subdibisyong matatagpuan sa Marcos Hi-way tulad ng ang exclusive subdivision na Fil-Invest.
 
Inayos na ang drainage system sa lugar na ito ilang taon na ang nakalilipas, ngunit bahain pa rin, reklamo ng mga residente.
 
Ang suspetsa ng maraming residente, walang silbi ang pag-aayos ng drainage system dahil mula nang maitayo ang SM Mall sa Barangay Mayamot Sa Antipolo City ay papasok pa rin sa mga subdibisyon ang mga tubig baha.
 
Ilang ulit na itong inereklamo kay Antipolo City Mayor Junjun Ynares, ngunit benalewala lamang umano niya ang hinaing ng mga residente.
 
Walang Pasok!
 
Dahil sa walang tigil na pag-ulan, walang pasok sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang lalawigan kahit nitong Sabado.
 
Ngayong Lunes (Agosto 15), nagdeklara na rin ang mga lokal na pamahalaan na walang pasok sa mga sumusunod:
 
Metro Manila:
 
Marikina – Lahat ng antas;
 
Pampanga:
 
Bacolor – Lahat antas, publiko at pribado;
Lungsod ng San Fernando – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
Guagua – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
Magalang – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
Masantol – pre-school – high school lamang, publiko at pribado;
 
Mexico – pre-school – high school, publiko at pribado;
 
Minalin – Lahat ng antas,  publiko at pribado;
 
Sto. Tomas – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
Sasmuan – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
Rizal:
 
Rodriguez – Lahat ng antas, publiko at pribado;
 
San Mateo – Lahat ng antas, publiko at pribado.

You May Also Like