2 Manila drug pushers, sinalvage

HINDI na rin nagpahuli ang Maynila sa pagpatay sa mga drug pusher, tulad ng nagaganap sa ibang lugar.

Kaninang 3:00 N.U., dalawang di kilalang kalalakihan ang natagpuang patay sa ilalim ng Quezon Bridge, Quiapo.

Sinalvage ang dalawa, tingin ng mga pulis.

Ngunit, hindi kagyat na natukoy ng mga pulis-Quiapo kung binaril o sinaksak o pinahirapan ang dalawa, kaya sila namatay.

Ayon sa mga saksi, nakabalot ng duct tape ang mukha ng dalawa ay mayroong papel kung nakasulat ang “Huwag tularan, pusher ako!”

 

Kamakalawa, idiniin ni Mayor Joseph “Erap” Estrada na paiigtingin ng kanyang administrasyon at ng Manila Police District (MPD) ang kampanya laban sa droga.

Ang pahayag ni Estrada ay may kaugnayan sa marahas na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa drug lords, pushers, at mga adik.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) higit na 40 ang namamatay na drug pushers simula nang manalong Pangulo si Duterte nitong eleksyong  Mayo 9.

Ngunit tatlo lamang sa higit 40 ang kumpirmadong drug lord.

Ang iba ay pawang mga pipitsuging drug pusher. (Tapat News Team)

You May Also Like