2 Bus Firm, pinagmulta ng tig-P50K nang benalewala ang PWDs

PINAGMUMULTA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang bus company dahil wala itong upuan para sa Persons with Disabilities (PWDs).

Idiniin ni LRFRB commissioner Ariel Inton na ang ginawa ng  Green Star Express Inc., at LLI Bus Company, Inc., ay tahasang paglabag sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-001.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng isang polio victim sa LTFRB.

Kitang-kita sa video clip na iprinisinta ng biktima sa LRFEB na ang dalawang bus companies ay walang upuang inilaan para sa PWDs, malinaw na paglabag sa JAO 2014-001.

Bukod sa P50,000.00, pinadgdagan pa ng LTFRB ng tig-P5,000.00 para sa pagiging arogante ng kanilang tsuper at conductor, at tig-P5,000.00 pa uli dahil sa malinaw na diskriminasyon sa pasahero. (Joel O. Amongo)

Propellerads

You May Also Like