2 ‘Batang’ Terorista, Dakip sa Davao City Bombing

 

Ni: Denz Laguipo

 

PAREHONG 19 na taong-gulang ang dalawa sa tatlong nahuling suspek sa pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre 2.

Ito ay sina Musali Mustapha at Wendel Apostol Facturan.

Ang ikatlong nadakip ay si TJ Tagadaya Macabalang.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang tatlo ay nadakip nitong Oktubre 4.

Ani Lorenzana, kasapi ng teroristang Maute Group sina Mustapha, Facturan, at Macabalang.

MUSALI MUSTAPHA, WENDEL APOSTOL FACTURAN, at TJ TAGADAYA MACABALANG (mula sa kaliwa)
MUSALI MUSTAPHA, WENDEL APOSTOL FACTURAN, at TJ TAGADAYA MACABALANG (mula sa kaliwa) ang tatlo sa 10 suspek sa pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre  2. (Mon Estabaya)  

Idiniin ng pinuno ng Department of National Defense (DND) na silang tatlo ay kasama sa 10 nagsagawa ng pambobomba sa night market sa Roxas Avenue sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at mahigit 70 pa ang malubhang nasugatan.

Kahit pito pa ang pinaghahanap ng mga sundalo at pulis ay ideneklara na ni Lorenzana na ang pagpapasabog ay “solved” na.

Sabi ng opisyal, ang pakay ng Maute Group sa pagpapasabog sa Davao City ay upang iligaw daw ang atensyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kampanya nito laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu at Basilan sa Mindanao.

Ani Lorenzana, konektado ang Maute Group sa ASG.

Hindi na niya pinalawig pa.

Ibinunyag din ni Lorenzana na sina Mustapha, Facturan, at Macabalang ay natuto ng pagpapasabog sa teroristang si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan.

Si Hir ay namatay noong Enero, 2015 nang lusubin siya sa kanyang kuta sa Maguindanao ng Special Action Force (SAF), elitistang puwersa ng Philippine National Police (PNP), na nauwi sa pagkamatay ng 44 kasapi ng nasabing yunit.

Hindi ipinaliwanag ni Lorenzana kung bakit mayroong mga batang sumasama sa paghahasik ng terorismo.

Ang pagkakasangkot sa dalawang 19 na taong-gulang na mga lalaki sa paghahasik ng  terorismo ay hindi na kagulat-gulat, dahil batay na rin sa maraming pag-aaral ay maraming bata ang lumalahok na sa terorismo kahit wala pa sa 15 ang edad.

Maraming dahilan kung bakit sumasama ang mga bata.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like