19 na aso, nailigtas sa mga mangangalakal

aso2

MASUWERTE ang 19 na asong nailigtas matapos matagpuan ang isang kahinahinalang nakaparadang van sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna.

Tinatayang 68 na aso ang laman ng van at 49 nito ay patay na nang matagpuan, ang lahat ng aso ay dinala sa pangangalaga ng Animal Kingdom Foundation, isang non-government organization na nangangalaga sa mga inabandunang aso, ayon kay San Pedro police chief, Superintendent Chito Bersaluna.

Samantala ang driver ng van na nakilalang si Ronette Medina, 35, at ang kasama nito na nakilalang si Benajmin Abante, 25 ay sinampahan ng kaso sa paglabag ng Animal Welfare Act.

Ayon sa batas ang taong lumabag sa Animal Welfare Act ay haharap sa 6 na buwan hangggang 2 taong pagkakakulong o piyansa na mula P1,000 – P5,000. [Rica Canon]

You May Also Like