19 ‘Korap’ LTO Traffic Boys, Itinago

Ni: Roy Bersales

 

 

LABINGSIYAM na traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘itinago’ muna sa iba’t ibang opisina ng ahensiya sa Western Visayas makaraang madiskubreng may pambura ang mga ballpen na ginagamit nila kapag nag-iisyu ng tiket sa mga traffic violator.

Sa ulat na nakarating sa LTO Main Office sa Quezon City mula kay Western Visayas Director Dennis Singzon, clerical work muna ang mga trabaho ng 19 habang sila ay iniimbestigahan sa panlolokong ginawa.

Ani Singzon, tinanggal ang 19 mula sa pagiging traffic enforcer dahil reklamong mayroong pampura ang kanilang mga ballpen na panulat sa tiket na iniisyu nila sa mga motoristang lumabag sa trapik.

Ang nasabing diskarte ay bukas sa pandurugas sa mga motorista para kumita ng mas malaki labas sa sinasahod nila mula sa pamahalaan.

Sa inisyal na imbestigasyon, itinuro ng ilang opisyal ng LTO na galing daw sa LTO Main Office ang ballpen na may pambura.
Sa 19, anim ang regular na kawani ng LTO at 13 naman ay nirekrut batay sa job order.

Sila ay pansamantala muna ipinuwesto sa Bacolod LTO at Iloilo LTO.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdiin sa pagiging korap ng LTO.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like