17 bus ng Victory Liner, 1 buwang suspendido

Ni: Joel O. Amongo

ISANG buwang isinuspinde ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang labing pitong yunit ng Victory Liner dahil sa limang pasahero nito ang namatay kamakailan sa Nueva Ecija.

Ang kasalanan ng Victory Liner, ayon kay LTFRB commissioner Ariel Inton, ay nakamatay ang isang yunit nito ng limang pasahero kamakailan sa Nueva Ecija.

Bukod sa limang namatay, 30 pasahero pa ang malubhang nasugatan.

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan.

Ani Inton, nagpasya ang LTFRB Board na maglabas ng preventive suspension order (PSO) laban sa Victory Liner ng 30 araw matapos na igiit ni LTFRB chairman Martin Delgra 3rd ang suspensiyon ng naturang kompanya ng bus.

Ani Inton, hindi palalampasin ng LTFRB ang krimeng nagawa ng Victory Liner upang mabigyan ng hustisya ang mga namatay at 30 kataong malubhang nasugatan.

 

 

Ayon kay Inton, hiningi rin ng LTFRB sa Victory Liner na isuko nito ang mga plaka ng 17  isinunspindeng mga yunit.

Gusto ng LTFRB na tiyaking hindi makabibiyahe ang 17 yunit ng Victory Liner, kaya ipinasuko ang mga plaka nito.

Inilinaw din ni Inton ang 30 araw na suspensiyon ay maaaring humaba pa, depende sa bigat ng krimeng nagawa ng Victory Liner.

Mayroon pa uling magaganap na pagdinig upang malaman kung ano pa ang posibleng pagkakasala, o krimeng nagawa ng Victory Liner.

You May Also Like