16th Congress tuluyan nang nagsara. Ilang “graduating” na senador, hindi dumalo.

MANILA – Ganap nang nag sara ang ika-16 na Kongreso ngayong araw matapos ang huling sesyon nito kanina, ngunit ang ilan sa mga senador na mag tatapos nang kanilang termino ay hindi na dumalo sa huling araw ng sesyon.

Kabilang sa mga lumibang senador na magtatapos na ang termino ay sina: Teofisto “TG” Guingona, Manuel “Lito” Lapid, at Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr.

Si Guingona ay tumakbo para sa ikalawang termino noong halalan ng May 9 ngunit hindi pinalad, gayun din si Marcos na tumakbo naman para sa pagka pangalawang pangulo.

Wala rin sa huling araw ng sesyon sina Sen. Miriam Defensor-Santiago, na kasalukuyan pang naka-confine sa Makati Medical Center dahil sa cancer, at sina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.  at Sen. Jinggoy Estrada na kapwa nakapiit at nahaharap sa kaso dahil sa diumano’y di wastong pag gamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF. Ang tatlo ay pawing magsisipag tapos na rin ng kanilang mga termino.

Pag apruba sa dalawang panukalang batas

Kabilang sa mga senador na pumasok para sa huling araw ng sesyon ng 16th Congress ay sina Senate President Franklin Drilon, Majority Leader Alan Peter Cayetano, Minority Leader Juan Ponce Enrile, Bam Aquino, Nancy Binay, Juan Edgardo “Sonny” Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Sergio Osmena, Gregorio “Gringo” Honasan, Grace Poe, Aquilino “Koko” Pimentel III, Vicente “Tito” Sotto III, Antonio Trillanes IV, Ralph Recto, at Cynthia Villar.

Bago ideklara ang sine die adjournment o pagsasara ng huling session, ipinasa ng mataas na kapulungan ang dalawang panukalang batas: ang HB 5560 na nag gagawad kay Hans-Peter Smit ng Filipino citizenship, at ang HB 5570 na nag tatakda ng bagong 25-taon na prangkisa sa Ibaan Electric Corporation.

sine die

Si Hans-Peter Smit ay isang Indonesian football manager at coach na namuhay na sa Pilipinas sa loob ng anim na taon at nagsilbi bilang trainer at coach sa iba’t ibang koponan ng football sa bansa. Sina Sen. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano ang nag silbing mga pangunahing may akda ng panukalang batas na naglalayong bigyan si Smit ng Filipino citizenship.

Ang Ibaan Electric Corporation naman ay ang pangunahing kumpanya na nangangasiwa sa suplay ng kuryente sa bayan ng Ibaan at mga karatig bayan pa nito sa Batangas. Ang pag papanibago ng prangkisa ng nasabing kumpanya ay magpapapanatili sa serbisyo ng kumpanya sa mga lugar na sakop ng prangkisa nito. Si Senator Serge Osmena, na chair ng Senate Committee on Energy ang pangunahing may akda ng HB 5570.

‘Old Politicians never die, they just fade away’

Sa pinakahuling talumpati ni outgoing senator Juan Ponce Enrile, nag pasalamat siya sa lahat ng kanyang nakatrabaho at nakasalamuha sa senado.

Si Enrile ay nag lingcod bilang senador sa loob ng 24 na taon. Sa kasalukuyan,  na sagad na ni Enrile ang limitasyon para sa dalawang magkasunod na termino — 2004 hanggang 2010, at 2010 hanggang 2016. Sa loob ng panahong ito, nag silbi siya bilang Senate President mula 2008 hanggang 2013.

Sa kanyang talumpati, namaalam si Enrile sa kanyang mga nakatrabaho sa kanyang huling magkasunod na termino.

“Old soldiers never die, they will just fade away. I would say, today, my last appearance in this chamber, old politicians never die, they will just fade away. My head was bloody but never bowed.”,ani Enrile, na sinipi ang mga kataga mula sa talumpati ni Douglas MacArthur, dating commanding general ng US Armed Forces.

Inihayag rin ni Enrile ang kanyang pagreretiro sa serbisyong publiko. Ani Enrile, “This will be my last day to visit this chamber because when we adjourn at midnight today, I shall have closed my public service to the nation, a service that is spanned more than half a century.

Nag simula si Enrile bilang Acting Secretary of Finance ng administrasyong Marcos. Mula dito ay hinawakan niya rin ang Department of Justice bilang kalihim nito hanggang siya ay maitalaga bilang Minister of National Defense noong 1972. Naging instrumental si Enrile sa pag papabagsak sa diktatura noong 1986.

Kabilang din sa mag tatapos ang termino ay si Senator Pia Cayetano, na nag lingkod ng 12 taon sa mataas na kapulungan. Si Cayetano ay nakatakdang maging bahagi ng mababang kapulungan matapos manalo bilang kongresista ng Taguig noong nakaraang halalan.

“I will just be in the bigger house, but I will be there. Mas malayo lang nang konti (just a bit farther). But rest assured I will still bug you with the bills that are close to my heart,” wika ni Cayetano.

 Nakatakdang mag bukas ang 17th Congress sa Hulyo 25, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng bagong pangulo na si Rodrigo Duterte. (Hector MJC Brizuela)

You May Also Like