16 pasaway na senatoriables, pinadalhan ng violation notice ng COMELEC

 Ayon sa COMELEC, iilang miyembro ng Team PNoy, na sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, Bam Aquino, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros at Rep. Sonny Angara ay lumabag sa campaign rules.

Ayon sa COMELEC, iilang miyembro ng Team PNoy, na sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, Bam Aquino, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros at Rep. Sonny Angara ay lumabag sa campaign rules.

Pinadalhan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 16 na pasaway na senatorial candidates upang bigyan ng babala ang mga ito tungkol sa kanilang mga paglabag sa campaign rules.

Ayon sa listahan ng COMELEC, kabilang sa mga napadalhan ng campaign violation notice ay sina dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, dating Sen. Jun Magsaysay at Sen. Alan Peter Cayetano.

Kabilang din sa nasabing listahan sina Sen. Koko Pimentel, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, Bayan Muna Rep.Teddy Casino, Rep. Sonny Angara, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Francis Escudero, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, Rep. Jack Enrile, Nancy Binay, Bam Aquino at dating senadora na si Jamby Madrigal.

Nabigyan ng mga notice ang mga nasabing senatoriables bunsod ng kanilang paglabag sa mga campaign rules ng poll body tulad ng pagkakabit ng ilang posters at tarpaulins sa mga lugar na ipinagbabawal ng COMELEC, at maging ang kanilang mga gimik sa pangangampanya tulad sa online networking sites.

Sa kabilang dako, magugunitang iniimbestigahan na ng COMELEC ang di umano’y pagpapa-raffle ni Madrigal ng iPad sa Facebook at ang pa-contest ni Pimentel sa Twitter habang posible pa umanong madagdag sa listahan nito si dating senador Ernesto Maceda.

Sa panig naman ng mga party-list groups, nangunguna ang Kabataan party-list na may pinakamaraming campaign violations na napadalhan na ng apat na abiso habang kasama pa rito ang lima pang ibang partido.

You May Also Like