15 Sundalo Utas, 4 sa ASG Patay din

 

Ng: Tapat News Team (TMT)

 

AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya: Tuloy ang pagwasak sa Abu Sayaff Group (ASG) alang-alang sa bayan.
AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya: Tuloy ang pagwasak sa Abu Sayaff Group (ASG) alang-alang sa bayan.

LABING-LIMANG sundalo ang namatay sa sagupaang naganap sa pagitan ng Philippine Army (PA) at ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Lunes sa Sulu, siyang pag-amin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Martes.

Sabi ni Marine Col. Edgard Arevalo, hepe ng Public Affairs Office (PAO) ng AFP, 15 ngang kasapi ng PA ang namatay sa kanilang pakiikipagbarilan sa ASG nitong Lunes ng 4:30 ng hapon.

Ani Arevalo, sa dalawang hiwalay na engkuwentro ay dalawan ang namatay sa ASG.

Umabot sa 120 miyembro ng ASG ang nakabarilan ng PA’s 35th Infantry Battalion at 21st Infantry Battalion sa Sitio Kan Jalul sa Brgy. Maligay.

Hindi muna isinapubliko ng PAO ang mga pangalan ng mga namatay dahil inuna munang maiparating sa kani-kanilang pamilya ang pangyayari.

Idiniin ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya, ilang sundalo na naman ang namatay at naging bayani upang maisakatuparan ang kanilang misyon laban sa ASG, itinuturing na teroristang grupo, samakatuwid kaaway ng estado.

Kahit ganyan pa ang nangyari ay patuloy na gagampan ng AFP ang tungkuling sinumpaan sa bansa at watawat ng Pilipinas hanggang maubos ang mga terorista, patuloy ni Visaya.

Bukod sa Brgy. Maligay, mayroon ding nakasagupa ang ibang tropa ng mga sundalo sa Sitio Kugan, Brgy. Bakung in Patikul bandang bago mag-alas dos ng hapon kung saan dalawa ang namatay sa ASG, banggit ni Arevalo.

Isa sa 2 namatay ay si Jamiri Jawong Jauhari, sub-leader ng ASG.

Bandang 3:42 ng hapon, nakipagbarilann din ang ibang pangkat ng mga sundalo sa Brgy. Kuttong in Talipao, Sulu kung saan dalawang miyembro ng ASG ang nadale, patuloy ni Arevalo.

Ang patuloy na pakikipagsagupaan ng AFP sa ASG ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang ASG.

Ito ang desisyon ni Duterte matapos saraduhan ng administrasyon ang ideyang usapang pangkapayapaan sa ASG.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like