142 Kapitan ng QC, Pinuwersa sa Anti-Drug Campaign

 

Ni: Joel O. Amongo

Coun. RANNIE LUDOVICA
Coun. RANNIE LUDOVICA

 

IDINIIN ni Quezon City Coun. Rannie Ludovica na sisibakin sa puwesto ang mga kapitan ng 142 ng lungsod kung hindi lalahok sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Sa pagtitipong inilunsad sa Quezon City Circle nitong Sabado na dinaluhan ng 142 na kapitan ng barangay, sinabi ni Ludovica na kailangan tumulong ang mga opisyal ng barangay sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal droga upang magtagumpay ito.

Isa pinakamalala sa iligal na droga ang Quezon City.

Mahigit 100 pulis ang sangkot sa iligal na droga mula sa 12 police station at iba pang yunit ng Quezon City District Police (QCPD), ayon kay acting QCPD Director Guillermo Lorenzo Eleazar.

Maliban sa mga pulis, may konsehal at kawani ng Quezon City Hall na sangkot sa bawal na gamot.

Si Konsehal Hero Bautista na umaming gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay sumasailalim na raw sa rehabilitasyon.

Samantalang ang isang konsehal ay ayaw isapubliko ang resulta ng drug test sa kanya, marami tuloy ang nagduda na siya ay adik na.

Ang ‘babala’ ay tila hinugot sa babala ng Pangulong Rodigo Duterte kamakailan na aniya kapag tatamad-tamad ang kapitan ng barangay ay aalisin ang mga ito sa kanilang puwesto.

Pinatapang pa ni Ludovica ang kanyang babala sa pagsasabi na  “Kapag may drug den, high level pusher,  trapik, krimen sa barangay ay liable ang kapitan at maaari siyang kasuhan ng administratibo.”

“Ang primary concern ng mga kapitan ay to main peace and order sa kanyang nasasakupan,” patuloy ng konsehal ng Distrito 2.

“Any moment ay maaaring tanggalin ang kapitan ng DILG (Department of the Interior and Local Government), alam ko na may ibababa ang DILG sa mga barangay ng kanilang functions,” banggit niya.

Inginuso pa ni Ludovica na “Ngayon pa lang ay inuunahan ko na kayong mga kapaitan na kapag magulo ang barangy, may high level drug psuher, drug den ay magbababa ang DILG ng passes to vacate to your position.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like