14 ‘Bonnet Gang’ Members, Pinatay 1 Drug Dealer sa Caloocan

 

 

scene of the crimeNi: Denz Laguipo

 

LABING-APAT na kalalakihang nakasuot ng bonnet ang pumatay sa isang lalaking pinaniniwalang notoryus na drug dealer kamakalawa sa Lungsod ng Caloocan.

Kinilala ng pulis-Caloocan ang biktima na si Lorenz Esteves Jr. alyas ‘Paul.’

Maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Esteves, ayon sa pulis.

Sabi ng pulis, sabi ng mga nakasaksi sa krimen ay pinagbabaril si Esteves ng 14 na kalalakihang nakasuot ng bonnet sa loob ng isang bahay sa Malonzo St. sa Barangay 74.

Nakarating daw si Esteves sa nasabing bahay makaraang magtatakbo ito upang takasan ang 14 na mamamatay-tao.

Ayon sa pulisya, sumakay sa pitong motorsiklo ang 14 na mga suspek matapos na makumbinsing patay na si Esteves.

Umarangkada palayo sa Barangay 74 ang mga suspek.

Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpaslang kay Esteves, sapagkat base sa imbestigasyon ng pulisya ay mayroong koneksyon sa iligal na droga ang lahat ng  hinahawakan nilang kaso na ang pinaghihinalaang pumatay ay mga taong nakasuot ng bonnet.

Bukod kay Esteves, ang tricycle driver na si Celestino Funtaron ay pinatay din ng mga kalalakihang nakasuot ng bonnet.

Ayon sa pulisya, ang pagpatay ng apat na kalalakihan kay Funtaron ay naganap mahigit isang oras bago itumba si Esteves.

Batay sa rekord ng pulis-Caloocan, si Funtaron ay

Pinagbabaril sa 7th Avenue East.

Sabi ng mga testigo sa mga imbestigador, tila malaki ang galit ng apat na naka-bonnet kay Funtaron dahil kahit na nagtatatakbo na ito ay hinabol pa rin siya ng apat hanggang pagbabarilin ito  at hanggang bumulagta sa kalsada.

Sabi pa rin ng mga testigo, tiniyak nilang patay ang biktima dahil hindi sila umalis at tumakas hangga’t hindi siguradong patay si Funtaron.

Ayon sa rekord ng pulisya, si Funtaron ay tukoy na dating drug dealer na dati nang sumuko sa pulisya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like