13 Sugatan sa Pagsabog ng Bombang ‘Di Kalayuan sa Simbahang Katoliko sa Cotabato

 

Ni: Denz Laguipo

 

LABINGTATLONG katao ang nasugatan nang sumabog ang isang bomba na 30 metro ang layo sa Simbahang Katoliko nitong Sabado ng gabi sa Midsayap, Cotabato.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, totoong 13 katao, kabilang ang isang pulis, ang nasugatan nang sumabog ang isang bomba na nakalagay malapit sa police patrol car na nakapuwesto 30 metro ang layo sa Archdiocesan Shrine of Santo Niño.

Kaagad na itinakbo ang mga biktima sa pinakamalapit na mga pagamutan.

Sabi ng PNP, ang mga biktima ay mga nagsisimba na nakapuwesto na labas ng simbahan dahil sa sobrang dami ng mga mananampalataya.

Malapit nang matapos ang misa dahil nagkokomunyon ng mga nagsimba nang sumabog ang bomba, banggit ng PNP.

Wala pang umaakong grupo sa naganap.

Karamihan sa mga naninirahan sa Midsayap ay mga Katoliko.

Maliit lamang ang populasyon ng Muslim sa lalawigan, ngunit simula 1970s ay nagaganap na ang armadong pag-aalsa ng ilang organisasdong Muslim laban sa pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like